Tuesday, December 31, 2013

HNY!

siguro nagtataka kayo kung bakit wala akong sinusulat sa blogey ko the past few chuchu. marami rami ang ganap sa life ko. karamihan depression levels. pero natuto ako to count my blessings. hindi ito ang aking pagbabalik sa pagsulat. gusto ko lang malaman nyo na andito pa ako. itutuloy ko pa din ang indonesia series. ipopost ko pa lang actually. wala lang talaga akong time! but i will. sa kakaunti kong readers, salamat sa support at sana basahin at bisitahin nyo pa din ang blogey na ito. 2014 ay taon natin. itaga nyo yan sa bato. iukit nyo yan sa malaki punong narra na nasa likod bahay. isipin nating kaya nating lahat ito. maligayang bagong taon! cheers! 

Thursday, October 31, 2013

#AlamNa

 

ang sabi nila ang Juding daw nakikita yan sa kilos. pano naman kung pa men? sabi pa nila sa Indonesia daw waley juding. I beg to differ. 1st day ko pa lang nakakita na ako. look at the kilay….

 

alamna

#alamna!

 

****joke lang po!

café batavia

 

after ng pagkembot at pakikinig kay kuya tourguide ng Museum wayang na ang pudrakels nya ay poorita na ang eyesight nakaramdam kami nhg slight uhaw at slight hunger. nagcatwalk kami papunta dito.

IMG-20131020-00334

at dahil na rin may slight init factor nung araw na yun. we did what any beauty queen will do…ang dumiretso sa powder room. retouch muna ng mook up. nagpahid ng bonggang bonggang red lipshook. at nagsuklay ng 100 times.  pagkatapos nyan tsaka lang namin napansin, hong ganda ng place! very old world, tavern type chuchu.  heritage kung heritage!

IMG-20131020-00337

isa sa mga sitting areas.

IMG-20131020-00336

hindi sila masyadong galit sa frame! buong wall yan. hinanap ko si cristy fermin at si megan young. waley!

IMG-20131020-00339IMG-20131020-00340 

may live band din at patok na patok ito sa mga foreigner. free wifi pa so win!

umupo na kami at may I tawag ng waiter para sa menu. ang waiteraka naman givesung ng menu! hong mohol! kaloka! nawala ang gutom ko. matigas lang ang ulo ng aking uhaw at ayaw sumunod! napaorderv tuloy ako ng pang machong drink.

IMG-20131020-00342

lychee iced tea! habang may I drinkaloo ng Bintang(beer) ang ibang beauties ako nag iced tea. napakasarap nyan pramis! may 2 lychees pa, so happy ang tyan nena ko. sayang saya ako sa aking choice definitely hindi sya kasama sa mga major major mistakes of my life.

Monday, October 28, 2013

My Father has Poor eye sight

 

Think Intramuros. yan ang peg ng Batavia Square or Kota Tua in Bahasa. kung sa atin ang sumakop ay mga Espanyol sa kanila Dutch. Ito ang Dutch East Indies. Ang Kota Tua is one of their major plazas. parang nagcoconverge lahat ng tao dito. dahil nga maraming turista ang pumupunta dito, maraming museums, cafes, street vendors and performers. 

IMG-20131020-00269

you can go around by renting a bike. hulaan nyo kung anong color ng bike ko! dali!

IMG-20131020-00272

na preserve din nila ang mga old buildings around Kota Tua, sadly hindi lahat.

IMG-20131020-00273

post office building.

IMG-20131020-00276

sa middle ng square merong ganitong ganap. hindi ko alam kung ano ito, hindi ako nagbabasa ng desciption. hehehe.

facing the Pos Indonesia Building sa left masasight ang MUSEUM WAYUNG or Puppet Museum.

IMG-20131020-00281IMG-20131020-00282 

ang sign at ang entrance to the museum. syempre may entrance fee itez. mga Php20 pesos lang sawang sawa ka na sa puppets! libre din ang tour guide for international visitors but careful careful kayo may mga guides na bebentahan kayo ng bongga. I suggest dumaan kay sa souvenir shops para you know kung magkano sa store yung bibilhin nyo.

 IMG-20131020-00283

eto daw ang worlds largest puppet.

IMG-20131020-00284IMG-20131020-00286IMG-20131020-00287IMG-20131020-00289

mga traditional na puppets all from the story ng Rama and Cintai. sa atin, Rama at Sita.

IMG-20131020-00310IMG-20131020-00311 

modern puppets based daw yan sa mga sikat na tao…waley akez kakilala kaya baka nagjojoke lang si kuya tour guide!

IMG-20131020-00316IMG-20131020-00317

shadow puppets! bongga yan mga ate! it is made out of carabao skin na hinila at pinatuyo. iprito sa hot oil kopek na! ahahahaha.

IMG-20131020-00327IMG-20131020-00328IMG-20131020-00329

puppets around the world! sa europe daw galing ang mga itez.

IMG-20131020-00306IMG-20131020-00308

ang building naman ng museum was used daw as a burial place. kaloka.

at mamimmet nyo din sina Mr and Mrs Jakarata.

IMG-20131020-00278

tawag jan ay ondel-ondel. may tao sa loob parang si jolibbe at hetty spaghetti lang!

once more with feelings!

IMG-20131020-00279IMG-20131020-00280

umaanggulo pa si mr jakarta kaloka.

Sunday, October 27, 2013

BJ (Beauties in Jakarta)

 

siguro parang tradisyon na ito. pangalawang taon na nagsasama ang mga ATE! kumpleto kami. ang title holder, 1st runner up at 2nd runner up. nadagdagan pa kami! nakasama sa amin ang dalawang international beauties… Ms Hongkong at si Ms Canada.

kumembot kami sa jakarta. the land of shopping malls and traffic jams. napakadaming malls sa JKT . as in super bawat kanto may malls! kung andito si henry sy im sure maiinggit sya sa dami ng malls dito! at ang mga ate indonesians kung pumorma parang wala ng bukas! para silang may unlimited supply ng mook up! at ang eye liner! singkapal ng mga linya ng pedestrian lane! kaloka! natalo pa nila ang mga sales ladies ng gotesco malls! ahahahaha charot lang! at ang mga damit! porma kung porma mga te! hindi pwedeng gawin dito ang magpunta ng mall ng naka shorts! dapat tipong business attire ganyan na sky high heels at designer hand bag. so, hindi ako masyadong na  o.p. ahahahaha. sanayan to! levelan! ganyan. taas ng energy! puro exclamation point! ahahahaha.

IMG-20131022-00386

ang traffic naman sa JKT ay same lang ng friday EDSA traffic. sanay na ako! ahahahaha.

dumating kami sa JKT ng Saturday morning mga around 1am. nagpadala ng longganisa, dalagang bukid at hotdog ang parents ng aking host. bitbit bitbit yun I braved immigration. o.a lang. ahahaha.

JAKARTA is the capital of Indonesia and its largest city with over 12 million residence. ito din ang sentro ng finance. it is a concrete jungle. malalaking malls, malalaking building, malalaking roads, havey na sasakyan think chedeng levels, nakakayamang mga cafes and resto, but the culture is evident in their architecture. so kahit na puro building ang masasight mo ditech may indonesian flair pa din. just look up and shake shake shake masasight nyo na ang intricate carvings!

dahil nga cultural tour itech pumunta ang beauties of the world dito.

IMG-20131019-00254

nakakita kami ng kung anik anik na indonesian chenes! ahahahaha hong shonga!

IMG-20131019-00230

familia java nung alive alive alive forevermore ganitey daw! tapos nung tegimey na itez na. look down,

IMG-20131019-00231

at oo, may flourescent light na sila nun! taray! ahahahaha

IMG-20131019-00234

ang kanilang interpretation ng kasabihang “itaga mo sa bato!”

IMG-20131019-00236IMG-20131019-00245

mga ibat ibang balur.

IMG-20131019-00238IMG-20131019-00240

ancient lamp at cabinet.

IMG-20131019-00244

lalagyan ng cake.

IMG-20131019-00243

at syempre ang aking crown.

more more bukas!

Tuesday, September 17, 2013

conteseras UPDATE!!!

 

siguro by this time alam na ng buong pilipins na nanalo ang ating bet na bet na si MUTYA DATUL.

she is the first ASIAN Suoranational.

 

napakainspiring ng istorya nya mga ateng! ang mudrakels nya housewife at ang pudrakels nya ay pulis. sumali sya sa mutya ng pilipinas pero di nanalo. ligwak ang ate mo sa q and a portion. pero that did not stop her. she joined BB Pilipinas at this time nanalo na sya! probinsyana ang ate nyo, nagmula sya sa pugon ng pilipins-isabela! aminin nyo ang jinit jackson dun! bet na bet ko na win na win sya sa pagrampa sa catwalk. yung ngiti nya unlike other beauty queens mafifeel mo na totoo. may honesty factor. at ang pinakamahalaga sa akin ay hindi sya nahihiya sa pinangggalingan nya at sinansabi nya ang kanyang saloobin ng mabuti. napaka endearing nya at positive thinker ang ate nyo. deserving talaga sya.

ngayon naman kasalukuyang nakikipagtunggali si Megan Young sa Miss World sa Bali Indonesia.so far, maganda ang performance nya. may laban kumbaga,

sa mga susunod na weeks naman send off na ni Cindy Miranda, sya ay lalaban sa Mis s Tourism Queen International na gaganapin sa China. Maraming maraming goodluck!

November 9 ang pinaka aabangan ng mga pageant fans worldwide. aminin na natin kahit mas maraming kandidata sa ibang sa bang pageant iba pa rin ang Miss Universe.  ang pambato natin na si Ariella arida ay paspas na sa training.sa kanyang latest pick mukha syang mail order bride. but I say this in a good way. ma appeal ang beauty  nya sa mga Ruso.

November 14 –17 naman ang arrivals ng mga kandidata ng MISS EARTH. sinusundan ko din  ang pageant na ito. homegrown din sya. kasama sya sa BIG 4 na tinatawag isang Grand slam na pageant. the candidates will be billeted at the F1 Hotel in BGC. December 7 naman ang finals night. so far wala pang venue. so kung may makita kayo na sa MOA hindi totoo yan. parang may news black out sa kandidata nating si Angelee Claudette Delos Reyes. wala akong makitang bagong pic. I would say ready na sya. naaalala ko si Venus Raj pag nakikita kong rumampa si angelee. pareho sila ng swag.

at Tokyo will play host to Miss International. favorite ko si Bea Santiago sa lahat. hindi ko alam kung bakit basta I like her. she reminds me of amelia vega. google nyo na lang kung di nyo kilala. ahahahaha.

Tuesday, September 10, 2013

amici

 

matagal ko ng hindi nakikita ang friendship ko na itey. kse naman mga ateng alam ko naman na busy sya sa kanyang wedding. so nag arrange kami ng mabilisang catch up session. syempre kapag catch up dapat may fudangdang! nagkita kame sa favorite kong triangle. yes you guessed it right! sa Central Park! kaloka,

IMG-20130904-00189

bet na bet ko talaga ang italian fudang kaya dito ako nagyaya. at dahil mabilisan ito sa kadahilanang may pasok sa office ang reyna(ako hindi sya), I suggested light snack lang. hindi rin ako fan ng carbo loading kaya heto ang aking order.

IMG-20130904-00191

spaghetti aglio olio marinara

peuf_20130905_1

lasagna

IMG-20130904-00193

tartuffo ciocolatto

super light lang no? I mean I finished the lasagna in less than five minutes, hmmm, ok lang yung lasa nya. ang serving nila kasing laki ng fez ko. yung spaghetti I didn’t finish kse ang tigas nung plato OMG. medyo na dissappoint ako sa dessert ko kse kumurap lang ako wala na. sana kse unlimited. overall value for money? WIN! hindi ako ang nagbayad mga ateng!

bono

 

mahilig ako sa dark.

yung matapang. yung sa unang tingin nakakpagpalaway na.

yung tipong kakaibang euphoria ang dulot sayo ng kanyang samyo.

yung eksena na kapag napili mo na isa lang nasa isip mo, ang talupan ang natitirang pantakip sa malauling nitong katawan.

hindi ka na mapakali.

                      nasa kamay mo na sya.

dahan dahan mo syang titikman. nanamnamin.

ibabad sa iyong mga dila ang kasarapan na iyong naranasan.

mapapapikit ka sabay sambit ng oh yes!

yes!

     yes!

          YES!

 

hindi mo na mapigilan.

                      nahulog ka na.

kailangan mo uling matikaman…sisimutin ang bawat linamnam

at pipiliting maranasan ang sarap at tamis ng dulot ng tsokolate.

IMG-20130909-00197

Ciocolatto Gelato.

Wednesday, September 4, 2013