Sunday, June 30, 2013

WWZ


so, haller, haller haller! dahil sa may katamaran at weekend mga 2pm na ako naggising! hong aga! ahahahaha. pagbaba ko ng aking kaharian, ab, aba, aba, walang katao tao. tahimik ang kapaligiran. bilang sa ako ay ginutom ng aking beauty sleep direcho agad akez sa bonggang bonggang kitchenlu….walang lafur! nagpanic ako! end of the world na ba itechi? ako na lang ba at ang mga walking deads? OMG! agad agad kong kinuha ang aking mamahaling cellphone. bumowag akembang kay mudra.

BQ(beauty queen): halu babalu, sanetch ka? bakit wiz kalifa lafur?
MBQ(mudra ng beauty queen) : sinechi?! charot lang! nasa we’ve got it all for you kami!
BQ: at talganag iniwan nyo ako?
MBQ: ambisyosa ka! may Dear Ate Charo ako sa pinto ng kweba mo!
BQ: ahhh…akala kez bills! hahahahahaha
MBQ: join na! watching galore kami ng movie!
BQ: keri keri. Angelina Goli lang akez k?
MBQ: babu!

ayun nga napakembot ako ng di oras sa SM. suot ang aking bonggang bonggang green short shorts, black top at heels. ahihihihi. nang ma sight ko ang mudrakels aba, aba, aba! lumalaban! nakagown! ahahahahaha. nagyayang lumafur! so gora naman sa lafeztation.
sa Hainnanese Chicken Delight kami lumaps. eto sila.

IMG-20130630-00087
mixed veggies with tofu – love na love ko ito! win na win!
IMG-20130630-00088
Japchae – sarap sana…TOO OILY!
IMG-20130630-00089
Hainnanese Chicken for the win! ang STAR ng noche buena feast namin!

meron akong mga di napicturean.ahahahaha pork dumplings, shrimp and pork dumplings at radish cake. kse naman mga ate, tommy hilfiger na akiz. like sintaas ng kagutuman ni Megastar Sharon Cuneta habang hinihigop nya ang Lucky me Mami! OOOPPPPPPSSSS! This is not a sponsored post! Sponsor ang nanay ko. ahahahaha.

after lafur. sabi ni mudrakels watch daw kami ng movie. dahil alam kong gumimik sya nung isang araw kasama ang kanyang mga bffs para manood ng 4sisters and a wedding. ako na ang pumili ng papanoorin. for that WWZ! hello?! no brainer! BRAD PITT!!!!

hong gandaganda ng movie! paglabas ko nga feeling ko may kakagat na sa akin! ganyang levels. may pagka stress drilon! at dahil jan naniniwala ako na hindi ako magiging zombie pag nagkaroon ng zombie apocalypse!

TOP 5 REASONS
1. walang zombieng MAJUBIS!
may nakita ba kayo na tumatakbong zombie na majubis all thru out the movie? wala diba? ahahahaha. kaya , hala! sige! kain pa! laps pa!
2. walang zombieng JUDING!
lahat sila brusko! kahit yung mga girlalu na zombie ang shigas shigas kumilos! para silang nakalulon ng sandamakmak na steroids!!!! kaloka!
3. walang zombieng MAGANDA!
refer to the zombie na nakakulong sa WHO Research facility in Cardiff. chakaness! kita nyo yung ngipin nya OMG! kaya yung boss ni brad pitt kabadong kabado! feel na feel ko yun sa the voice nya! ahahahahahaha
4. walang zombieng MASHONGKAD!
well, well, well, look at my long legged legs! lahat ng zombie sa WWZ mas maliit kay brad pitt. just saying.
5. walang zombieng FASHOWN!
hong chaka ng mga damit nila! si brad pitt nga naka scarf kaya safe sya! nakita nyo ba na nagulo yun? hindi di ba? safe na safe ako and my scarf collection! ahahahahaha.

win na win talaga ang WWZ! bigyan ng jacket ang director, producer, writer! si brad pitt, ibigay s akin! ahahahaha. Charot! ayaw ng bufra! ahahahaha!

sabi nila kapag itinanong mo sa sarili mo kung papanoorin mo uli ang isang pelikula at yes ang sagot mo ibig sabihin maganda yun! bet kong ulit ulitin na parang nakaloop! walang shuffle repeat lang!

Saturday, June 29, 2013

C.M.

 

hindi sa lahat ng pagkakataon may maiisip ako na isulat. ito yung mga boring moments ng aking buhay. kasi naman normally i dont go out. bahay work bahay lang ang drama ko everyday. and im sure hindi lang ko ang ganito sa mundo ng blog. paseryoso ang effect! di ko keri kaloks! kaya ako, nagbabasa ng blog ng iba. checking out the competition ganyan! ahahahaha charot lang. masaya lang magbasa ng snipets ng buhay ng iba. yung tipong may pupuntahan sila tapos maiisip mo na pupuntahan mo din kse inggitera ka ganyan! yung tipong may kakainin sila maiisip mong kainin din yun kse gusto mo in ka! ahahahaha charot! makabagong chismisan ito! ahahaha.

securedownload

aksidente kong napuntahan ang blog ni Ms Jane Go. binasa ko ang blog nya sa isip ko sinetch itetch? bakit ngayon ko lang sya nakilala (importante ako? kailangan lahat kilala ko? echusera din ako no?! ahahahaha)? bilang chismoserang piglet ako binasa ko from the start ang blog nya as in cover to cover, back and front, front and back, side by side, lengthwise at crosswise. napakaentertaining nya lang. minsan overshare na sya pero that makes her very endearing sa mga readers nya. napakanatural at walang prentention ng style ng blog nya. alam mo agad kung ano nagpapasaya sa kanya (ang kanyang family) at yung nagpapa upset sa kanya(bad food) ahahahaha. peace! parang napakasaya siguro na mapabilang sa circle nya at ng mga anak nya. mantakin nyo pag may birthday, my cake fight! katuwa no? kaya lang gustuhin ko mang gawin yan sa bahay haller makakain ko muna ang cake bago ang fight! ahahaha. nakakatuwa lang din na napakadedicated nyang mudrakels sa kanyang mga anakis at napakalambing na asawa. nalaman ko lang lahat yan sa blog nya! chimosera talaga ako. ahahaha,

bago ko ito isulat, nag email muna ako sa kanya. gusto ko kasi na alam nya at kung may i grab ako ng picturettes sa blog nya, bet ko na aware sya, aba mahirap ng mademanda! hahaha. may i ask permission akez syempre may i include naman akez ng blog address ko. hindi ko naman ineexpect ang next ganap! nag email sya! at ang nice nice nya! natuwa daw sya sa blogey ko! ako din natuwa! ahahahaha. may i say din akez na i graduated from UST kse alam ko na malapit sa puso nya ang UST. natuwa ako kse tulad ko, binasa nya rin ang blog ko cover to cover, back and front, front and back, side by side, lengthwise at crosswise. nakakatuwa talaga pag may nakakaappreciate ng ginagawa mo no? in her words, she get so kilig! me too! sabi ko nga sa kanya sya na ang aking chinese mudra! feeling close lang talaga ako. ahihihihi. but honestly speaking isa si Miss Jane sa pinakamabait na tao sa blogosphere. napaka accomodating nya. lagi syang may suggestion sa mga commenters ng blog nya. no wonder kaya ang mga junakis nya well rounded. may pagkagroovy din itong si Ms jane sabi nya sa email rofl daw sya sa isang post ko nag email ako sabi ko ano po yung rofl? ahahaahaha. charot lang. syempre alam ko yun! rolling on the floor laughing!  mga echusera! alam ko talaga yun without the help of google. matalino ako. ahahahahaha.

hind ito biro ah pero araw araw ako nagchecheck ng new entry nya at never fail naman si Miss Jane laging may bagong entry (redundant akiz)! alam na! may internet! may budget! ang taray! ahahahaha.  ikaw na Jane! ahahaha.


hindi ko ineexpect na magiging follower ako ni Ms Jane. kse magkaibang mundo ang ginagalawan namin. ang mundo nya sanitized, maayos at masaya. ayaw nya ng masikip, marumi! (maricel soriano?!) ibang iba sa mundo ko, sa mundo ng isang BEAUTY QUEEN.

Monday, June 24, 2013

Chu Pish

 

sabi ng friend ko I should write everyday. haller?! wala kaming internet sa balur! ahahahahaha. sana kung may mag sponsor ng aking internet connection gora yan! ahahaha. nagtitipid kse ako. yun ang totoo. I will be going on a trip sa october bet na bet ko na marami akong andalu! for more more shopping needs ganyan! I will be in jakarta, bandung at bali. susyality levels itechuwa! lumelevel up na akez! dati puro puerto gaylera lang ang aking tripangmenji! ahahahaha.

I will be with the most enjoyable travel buddies! lahat kami game. walang arte arte! pati ang pagtulog after lunch nagkakasundo kami! ahahaha.not to mention ang paglafur! naalala ko ate charo nung nasa Ho Chi Minh kami, nagbreakfast na kami sa hotel after nun nagshop ng kaunti sa Saigon Square after nun gutom na kami! ahahahaha. sabi namin sa mga sarisarili namin konti lang ang kainin kse may lunch pa. but no! tatlo lang kame pero ang order namin pang pito or more! kaloka! hindi naman din namin alam na ang isang pho pala sa lugar na yun eh sinlaki ng palanggana! yung tipong pwede kang maghilamos at may matitira pa pang gargle! ganyan! ahahahaha. but wait theres more! naubos namin yan! ahahahaha. tapos balik sa hotel para bumorlog!

kaya sa october, humanda ka Jakarta sa amin. maglalive blogging ako from jakarta so watch out for it! ambisyosa! kailangan ko na nga palang mag diet para makapag chu pish! ahahaha.

Chenkyew!

 

nakakaloka lang talaga!

I mean, I did not expect this. hindi ko inaakalang may nagbabasa ng blogey ko.

oo, I admit walang sawa, kapal fez at walang hiya hiya kong pinromote ang aking blog.

sa kapal ng fezlak kez ibinigay ko pa sa 2 certified bloggers ang link sa blog na itechuwa.

kaloka naman na natuwa sila dahil mataas ang respeto ko sa kanila pagdating sa blogging.

alam ko naman mataas din ang respeto nila sa akin bilang beauty queen! kaloka! ahahahaha.

 

heniweys, maraming salamat kay chyng at kay endette sa support sa time to chika and everything!

at kung sino ka man na nagbabasa ng blog ko sa RUSSIA, nasa Moscow ako sa November!

Sunday, June 23, 2013

Marsil Korean Restaurant

 

Lumaps na naman akong magisa! nasasanay na ako na alone ang peg. till then I always git by on my own ganyan! so, kumendeng akez sa land farfar away. may bagong bukas na korean chenes na malapit sa balur katabi ng paborito kong coffee shop.

eto mga ni laps ko.

IMG-20130622-00074

spicy tofu and kimchi (free appetizers!)

IMG-20130622-00078

marsil noodles

IMG-20130622-00077

spicy chicken meal

korean owned daw itez. ang masasabi ko lang… good job! bukod sa super murayray lasang authentic pa! wala pang Php200 ang bill ko. super love ko yung tofu nila! its soft sweet at spicy. un noodles nila sa unang tingin mukhang instant pero wit te! hindi sya instant! under all of that are pieces of mushroom, kimchi and shrimp. kulang lang sa presentation. mukha lang kasing sinandok at bahala na si batman! yung chicken nila lasang bonchon na masauce.yung coleslaw ay tamang tama lang pang tame ng spicyness. ang di ko lang bet ay yung fries. parang last year pa sya! kaloka!  na happy naman ako sa quality at service nila. pwedeng araw arawin lalo na kung walang pudangdang sa balur! win!

Luz Valdez

 

malungkot ako ng bongga.

in my 23 years of existence, i have never, i mean never have felt like this before. nag cry lalu akez. isang mata lang ala the superstar Nora Aunor. sumandal ako sa pader ng banyo, at habang unti unting dumadausdos pababa, paupo nananaghoy ako. sumisigaw ako ng -angdumi dumi kong babae! sabay palo sa aking mga long legged legs.


na mirriam quiambao ako mga te! hindi ako ang nakoronahan. 1st runner up lang. i did my best but my best wasnt good enough ganyan. practice ako ng practice may uniform na nga ako te! pero hindi pa din ako success. sabi ng nanay ko, try and try until you succeed. kaya sa susunod, mananalo na ako. sa 2016, watch out for me. magiging presidente ako. ahahahahaha.

hindi ako bitter ocampo ah! pero wish kong isabotage, tawagan ang mga NPA na kabarkada ng mudrakels key para magkaroon kami ng standoff. baka pag ginawa ko yun manalo akong senadora! ahahahahah.


heniweys hayweys, wala na yan sa akin. ded madela na sa akin ang mga yan! haller. alam ko namang mas maganda ako noh! hindi lang yan , panalo ako sa internet voting, supermodel of the world, miss talent, miss congeniality at miss hiv awareness week! may crown pa rin naman ako. and i swear babalik ako. mas malakas dahil bukas luluhod ang mga tala!

Sunday, June 16, 2013

Peg

 

May nakilala ako. Peg na peg ang going back to the crner where i first saw you!
Parang ganun lang kse and nangyari. No, hindi ako namick up!
Dudumi ng isip nyp huh?!
Di ko keri yun.

Heniweys hayweys, sumakay kme sa iisang bus. nauna syang umakyat ng bus nakaupo na sya ng sumakay ako. nagkatitigan, nagngitian ng manipis na para kaming mga balingkinitang chinita na nakaminiskirt with long legged legs sabi nga ni miss melanie marquez nakasitlettos ng red na kasing kulay ng slightly magang labi for more angelina joile effect at ang top  isang manipis na tank top yung kita ang bragona ahihihihi.


syempre after nun, sa tuwing mapapalingon sya sa akin I’ll flash my mega watt smile...full smile slightly open ang mouth, think shamcey during the 2011 miss universe pageant in brazil , obrigado sao paulo ...ganyan. pakakak na pakakak!


We alighted in the same stop. kaloka english yan! so yun nga sa bus stop sa mejo corner ng boni station nakilala ko sya. nagkadaupan ang aming mga palad. nagkasabihan ng kanya kanyang panganlan, nagbigayan ng number at nangakong magkikita uli.

isang buwan na ang nakakalipas. nung gabing nagkakilala kami, walang humpay na text message ang naipaabot namin sa isat isa. nagkita na kme uli. nagkape. nakakatuwang may isang tao na gusto kang makilala.

oo, kinikilig ako.

Sunday, June 9, 2013

Major, Major

 

major major

nag apply ako bilang unit manager...taray no?  oo malakas ang self belief at confidence ko. kayang kaya ko yan. hello? nagpasarela ako sa columbia! im sure yang mga ibang kalaban ko hindi nila alam ang pasarela. and im sure talbog na sila sa evening gown competition. magpipilapil walk ako papunta sa interview room, ngingiti ng pagkatamis tamis katulad ni supsup, pero kailangan tigasan ang leeg na parang may stiff neck with matching beautiful eyes na parang cobra chenes ni janine. at syempre dapat wagi na ang answer sa first question!

question: why do you think you can be a unit manager.
answer: i believe its not only the technical skills that i have and i have learned from the company that is important. i believe that when you're willing and you have the heart to serve then you can be a unit manager.

PANALO! bungga bungga day! naiimagine ko na ang bigat ng crown sa ulo ko ganyang levels. habang kumakaway at medyo teary eyed....pero hindi ganyan ang nangyari. echuserang frog kse and beking naginterview sa akin. intrimitida, attribida at higit sa lahat inggitera! OO bitter akco. pinaghandaan ko naman lahat hindi lang ako handa sa world war! tinanong nya ako.

question: why do you think you're qualified as a unit manager?
answer: i think with my 6 yrs of experience i have the bullets for the job. i can prove my optimum attention to detail by my q.a scores and im very hard working...i...
intrimidita, echuserang frog: im not referring to that.
reigning beauty queen(ako hahahah): what are you referring to?
intrimidita, echuserang frog: not your qualities but your experience.
reiging beauty queen: i have a lot. do you? (ahahahaha) sabay irap.

all thru out my interview, nagbabarahan kami! and i swear, pag naligwak ako ang press release hindi ko tinuloy ang application. ikakain ko na lang ito, kailangan ko ng cake!

Lamierda

 

kakambal ko na yata ang pag byahe.


i live in  the suburbs. taray! actually bulacan. mind you not the near bulacan ah, the far bulacan ito. boundary na ng pampanga ganyang levels. everyday ang ganap ko mag bus from baliuag to gma mrt station, mrt hanggang buendia tapos bus papuntang PB Com Tower. nakakahaggard minsan lalo na kapag kulang sa borlogs pero masaya naman, halos magkakakilala na kmeng nag ba bus. alam na namin kung saan bababa ang isa, kung kanino nakareserve ang unang upuan (oo, may resrvation!), kung sino ang naghihilik sa byahe (oo, ako yun).

Isa ako sa mga tao na ginagawang kama ang bus. May baon pa akong kumot nyan. wala akong pakialam kung maghilik sarap kayang maborlogs!  ganyan ang eksena ko everyday. at kahit na far far away ang balur ko never pa akong na late. and im talking about anything ah. im always the first one to arrive kapag may meet up with friends, sa offcice naman i make sure na im there 30 mins before the time para more more time for chorvahan! ahahaha. kumpleto rin ang gamit ko. its seldom na i need something na wala sa bag ko. ready ako, boy scouts levels ganyan. mahilig din ako sa baon, so kung kasama mo ako never ever ever ka mato tom jones. and when i go on trips i make sure na kumpleto lahat ng dadalhin with options. like photocopies ng passport, printouts ng e tickets at itinerary. hindi ako matatahimik sa isang isang kopya lang dapat mutiple copies na nakasuksok sa ibat ibang parte ng bagahe ko, backpack ko at ng check in baggage ko. ayoko kse ng nahahassle lalo na kung sa ibang bansa ang lamierda. mahilig din ako mag research in kahit anong material sa internet about the place im going to visit binabasa ko. kaya pagdating dun map lang ang kailangan ko para na akong nakatira dun! hindi rin naman kse ako ganun ka budget traveller. kering keri ko ang backpacking chuchu pero hindi ko keri ang dorm accomodation, unless tipidora mode. naisip ko kse one travels for exposure to culture and other activities that country is offering right? so i really immerse in the culture but i need my comforts. arte noh? ahahaha. naalala ko we were suppose to backpack in vetnam syempre mega handa na ako ng backpack day pack etc tapos ang mga kasama ko na kaluggage! di ko kinaya! ahahaha. tapos pumunta kame sa shopping district sa HCM ayun bunili pa kme ng another luggage magkasya lang ang mga pinamili! after that we agreed na hindi namin kayang mag backpack talaga. sa isa sa mga pagbabasa ko sa internet nalaman ko na ang tawag pala sa amin flashpacker. backpacker ang idea pero mas comforable accomodations+gadgets. nung una gusto ko sana flashpacking ang ichorva ko sa inyo kaya lang di ko bet mag english! ahahahaha. kaya wag na lang. kakahiya sa wrong grammar! so no. basta, ichochorva ko sa inyo lahat ng chenes ko. from my everyday travels to travels overseas. mula sa pinaka masarap na chicken skin sa edsa hanggang sa pinakamainit na mani, mula sa pagtitipid kapag nasa abroad hanggang sa pagsplurge sa paglafur ng fishball sa gilid ng trinoma. sya, next time allis na ang busey!