kakambal ko na yata ang pag byahe.
i live in the suburbs. taray! actually bulacan. mind you not the near bulacan ah, the far bulacan ito. boundary na ng pampanga ganyang levels. everyday ang ganap ko mag bus from baliuag to gma mrt station, mrt hanggang buendia tapos bus papuntang PB Com Tower. nakakahaggard minsan lalo na kapag kulang sa borlogs pero masaya naman, halos magkakakilala na kmeng nag ba bus. alam na namin kung saan bababa ang isa, kung kanino nakareserve ang unang upuan (oo, may resrvation!), kung sino ang naghihilik sa byahe (oo, ako yun).
Isa ako sa mga tao na ginagawang kama ang bus. May baon pa akong kumot nyan. wala akong pakialam kung maghilik sarap kayang maborlogs! ganyan ang eksena ko everyday. at kahit na far far away ang balur ko never pa akong na late. and im talking about anything ah. im always the first one to arrive kapag may meet up with friends, sa offcice naman i make sure na im there 30 mins before the time para more more time for chorvahan! ahahaha. kumpleto rin ang gamit ko. its seldom na i need something na wala sa bag ko. ready ako, boy scouts levels ganyan. mahilig din ako sa baon, so kung kasama mo ako never ever ever ka mato tom jones. and when i go on trips i make sure na kumpleto lahat ng dadalhin with options. like photocopies ng passport, printouts ng e tickets at itinerary. hindi ako matatahimik sa isang isang kopya lang dapat mutiple copies na nakasuksok sa ibat ibang parte ng bagahe ko, backpack ko at ng check in baggage ko. ayoko kse ng nahahassle lalo na kung sa ibang bansa ang lamierda. mahilig din ako mag research in kahit anong material sa internet about the place im going to visit binabasa ko. kaya pagdating dun map lang ang kailangan ko para na akong nakatira dun! hindi rin naman kse ako ganun ka budget traveller. kering keri ko ang backpacking chuchu pero hindi ko keri ang dorm accomodation, unless tipidora mode. naisip ko kse one travels for exposure to culture and other activities that country is offering right? so i really immerse in the culture but i need my comforts. arte noh? ahahaha. naalala ko we were suppose to backpack in vetnam syempre mega handa na ako ng backpack day pack etc tapos ang mga kasama ko na kaluggage! di ko kinaya! ahahaha. tapos pumunta kame sa shopping district sa HCM ayun bunili pa kme ng another luggage magkasya lang ang mga pinamili! after that we agreed na hindi namin kayang mag backpack talaga. sa isa sa mga pagbabasa ko sa internet nalaman ko na ang tawag pala sa amin flashpacker. backpacker ang idea pero mas comforable accomodations+gadgets. nung una gusto ko sana flashpacking ang ichorva ko sa inyo kaya lang di ko bet mag english! ahahahaha. kaya wag na lang. kakahiya sa wrong grammar! so no. basta, ichochorva ko sa inyo lahat ng chenes ko. from my everyday travels to travels overseas. mula sa pinaka masarap na chicken skin sa edsa hanggang sa pinakamainit na mani, mula sa pagtitipid kapag nasa abroad hanggang sa pagsplurge sa paglafur ng fishball sa gilid ng trinoma. sya, next time allis na ang busey!
classmate mo pala si Endette na taga faraway Bulacan din. Hehe
ReplyDeleteyes te! ahahaha. far far away naman talaga!
ReplyDeleteTerey.. congrats sa iyong bonggang bonga na vlag!
ReplyDelete