naririnig ko lang dati ang Crowne Plaza Ortigas at ang 7corners na restaurant nila. dahil sa kuripot akez, wit ko bet ang mag buffet buffet na libo libo ang presyo! kse naman hindi naman ako malibo! ahahaha kaloka. Heniweys just recently napagalaman ko na may promo sila. Php888 nett per person na lang daw ang buffet. dali dali naman akong nagpareserve kasama ang aking 2 kaibigan. madalian talaga ang pag reserve kse baka bawiin nila ang promo kapag nakita nila kme! ahahahaha.
so one boring saturday, naglakbay ang inyong abang lingkod patungo maynila upang makipagsapalaran sa buffet ng 7corners. hindi ako nagbreakfast, kahit higop ng kape wala. kailangan kong mag prepare sa labanan. so ang usapan magkikita muna kami sa Robinsons Galleria ng 10 am tapos iikot muna, window shopping ganyan, para pagdating namin dun bring it on ang drama!
12 noon na ng pumunta kami sa 7corners. pa dainty muna ang drama, yung tipong uupo muna sa table tapos magkakahiyaan pang mag umpisa! ahahahaha. dahil di ko feel ang glamor this past few days attack kaagad ako! ahahaha.
plate 1. Caesar’s Salad and Cold Prawns with Cocktail sauce.
hindi ko bet mag salad salad pero this Caesar’s salad is yummy! may I suggest akez na ilagay ang dressing sa side para mas maappreciate mo ang freshness ng lettuce. fresh na fresh parang ako lang. pa sweet lang ang portion ng prawns ko dito. ang true naka morethan 10 yata ako! ahahahahaha. ang tamis tamis! tapos their cocktail sauce is tart and spicy perfect combination!
plate 2. Spinach Fettuccini In Marinara Sauce
Nainlove ako ditey mga ateng! love love love ang seafoods! tamang tama lang ang pagkakaluto tapos may I budbod si ate chef sa pasta station paluto keme ng lots lots of parmesan cheese! heaven! eto yung tipo ng pasta na kakainin mo kapag malamig, umuulan, walang bowa ganyan. instant comforting factor mga ate! napakagenerous pa ng kanilang serving! the pasta is al dente.the squid, scallops shrimps na sahog ay sweet and soft. may asim factor ng tomato sauce tapos alat ng keso ay! perfection.
plate 3. Steak with Gravy
bet ko pag steak medium yung pink pa ang center kse mas malambot ang karne kapag ganyan. medyo watery yung gravy nila pero bet pa din ang lasa! sarap sarap pa din! tamang alat lang. at ang karne! omg! hong lambot! hong linamnam hong sarap! naka 2 pa ako. ahihihihihi.
hindi ko napicturan ang desserts. pero meron silang dun caramel cheesecake na super sarap. and the best moist bread pudding I had! may baon din naman ako in case na di ko mabetan ang mga panghimagas. eto .
Theo and Philo! the best artisanal chocolates in the Philippines!
at habang nag dedesserts kami ayun biglang dating ang NATIONAL TEAM ng BAHRAIN! ke gwagwapo! napaHELLO BUFFET tuloy ako!
7Corners @ The Crowne Plaza
Ortigas cor ADB Avenue