think Nayong pilipino. im sure mareremember nyo nung mga kidilettes palang kayo laging join yan sa iti ng mga school trips! naalala ko nun, nagpunta kami dito yung isnag classmate ko nasubsob sa gilid ng Mt Mayon. walang ka glamor glamor hindi pa sa totoong Mayon sya nasubsob right? ahahaha. hindi pahuhuli ang indonesia meron din silang ganyan! Taman Mini Indonesia. Mejo far far away ang drama nito from jakarta parang manila to Bulacan may toll! pero pwede namang taxihin.
this is the main entrance ng isa sa mga major major museums sa lugar ang Museum indonesia.
sa gilid naman andun ang replica ng MONAS
this is Museum Indonesia. meron pang nagshooshoot na Japanese Tv chuchu.
sa loob nyan may mga diorama and national costumes ng mga region pang Miss Universe. Unfortunately no photos allowed. at ayaw naming magbayad! ahahaha.
isa sa mga pavillion inside the compound.
it also features traditional houses ng mga region sa indonesia.
TIP: malaki ang lugar think clark ganyan you would need a transportation. Nagscooter kami. nag rent kami for 1hr Php 400 yata.
The place is also home sa 1 Komodo dragon.
eto sya at tamad sya. mata nya lang ang gumagalaw kaloka.
Marami pang pwedeng puntahan dun like a science museum, bird park, may mono rail din sila mejo late in the afternoon na kami pumunta so hindi na namin na avail. overall, bet ko syang puntahan uli. tahimik kasi tsaka pwedeng magyosi! ahahahaha
No comments:
Post a Comment