Monday, March 24, 2014

Ramen No name

 

ramen2

Kapag daw hindi mo hinahanap, tsaka sya dadating.

Depende daw yun sa kailangan mo ng oras na yun.

ako? ang bet ko lang naman japanese.

yung tipong yayakapin ka ng init nya.

yung kapag natikman mo na hahanap hanapin mo.

yung tipong hindi mo makalimutan ang sarap.

kahit isang gabi lang.

Sa Ubud ko sya nakita.

Inakit nya ako.

bukas loob nya akong pinalibutan ng kanyang init.

buong puso nyang ibinigay sa akin ang kanyang linamnam.

ramen

sa unang tikim pa lang, nahulog na ako.

naglaro sa aking dila ang kakaibang kasarapan.

alam ko na hahanap hanapin ko ito.

malupit ang tadhana. sabi nga sa kanta ni Imelda Papin,

O kay bilis ng iyong pagdating
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din.

hindi ko man lamang nakuha ang pangalan nya….

Ubud, Bali

 

ubud

Ubud is a major Arts and Culture center in the island of Bali. Relaxed ang feel ng place. Very indie. Very provincial. Major characteristic ang rice paddies. Most daw ng tourist na pumupunta dito is in pursuit of art.

Nakakaloka.

In pursuit din ako hindi nga lang art, kundi jowa. hehehe.

syempre bet naming libutin ang buong ubud kung pwede lang kaya lang tamd kaming maglakad. sayang pa ang oras. so, we asked the frontdesk na I drop off kami sa Ubud Market.

market

Sa tapat nyan ang Ubud Palace.

palace

working palace daw yan. Ubud’s royal family still lives there, pero ang courtyard ay open for all. Nung pumunta kami may funeral preparation.

cremation

Andaming ganap! kung anik anik ang ginagawa ng mga utaw la belles. Nakakaloka.

1a

dahil feel na feel ko na turista ako mega picture ako ng mga kaganapan. aba , minsan lang makakapunta kailangang sulitin! May nageexplain ng mga kaganapan pero dahil nga may ADHD ako hindi ako nakinig. ahahaha. Ang naintindihan ko lang, depende sa kayamanan ng pamilya ng namatayan ang laki ng funeral prep. So, mag yamanyamanan lakilakihan ang ganap.

after ng Ubud palace naglakad lakad kami sa paligid.

IMG-20131026-00776

typical lang daw na shrine ito. kaloka no?

hanggang may makita kaming very familiar na sign.

IMG-20131026-00782

dahil sa wala naman akong kahilig hilig sa kape, pumasok kami. at eto ang bumungad sa amin

IMG-20131026-00780

garden

sa gilid nyan ang pinto ng starbucks at eto ang kanilang garden, kaloka. sa same compound may restaurant din pero hindi na namin inavail kasi may gusto kaming kainan. so nag dessert kami first.

IMG-20131026-00788

white chocolate red velvet cake.

Buti na lang nagdessert kami kung hindi mega bonggang gutom ang inabot namin dahil sa mahabang lakaran para makita namin ito. yun kasing pinagtanungan namin yung long way ang tinuro kaloka! ang m ga dinaanan namin parang maze! kami lang ang lumalakad sa daan. at day ang init ng araw! sa haba ng lakaran pumayat nga ako te! ahahahaha. Bonggang pawis ang aming inabot.

IMG-20131026-00812

matagal tagal na kami sa indonesia, miss na miss na namin ang pork! bet na bet ko ng sumigaw ng babuyin nyo ako! pero alam kong walang magaavail! kaloka.

babi guling

Lechon galore! Must daw ito pag pumunta ka ng UBUD. Mas masarap pa din ang lechon natin, Underwhelming for me ang Babi guling. halos lahat ng customer dun foreigner, syempre avail naman kami! ahahahaha. kailangan lumevel! ganyan! hindi daw yan ang original na restaurant lumaki na lang dahil sa dami ng turistang nagaavail ng babi guling. taray no? binaboy ang kapalaran!

Sunday, March 2, 2014

Kopi Bali

 

after check in, we decided to explore around UBUD. Walkable naman halos lahat sa lugar na ito. Plataran is just a stone throw away from Ubud’s Monkey Forest.

IMG-20131025-00683

yan ang street to Monkey forest. oo, maraming monkeys at hindi ako faney nila. nabasa ko kasi na may nangyaring incident na nangagat ng tourist ang isang unggoy. hindi ko bet yun. sana kung ang kakagat sa akin si edward, BET! kahit na sipsipin nya ang lahat ng kaduguan ko sa aking magandang katawan go! yan ang commitment. ahahaha.

Medyo mahabang lakaran ito, and since burgers lang ang lunchey namin, we decided to look for a good place to eat. at napadpad kami sa Kopi Bali.

2 

Maraming foreigner ang lumalaps dito so gumora kami. and we ate Nasi goreng with shrimps and satay. at dahil health is wealth and cleanliness is next to Godliness, I ordered a lemonade. Masarap, malaki ang servings but mahal! Tourist destination ang buong Ubud so, medyo pricey talaga sya. Even the souvenir shops along the road, mahalya!

syempre, mawawala ba ang kape? I ordered a nice tall glass ng iced cappuccino caramel. refreshing, sweet and sulit naman for the price.

1

habang kumakain kami, napansin namin na ang katabi naming table. magjowa, at wagas gumaya ng order namin. so deadma, mas marami akong concern at that time. dumating na ang foodang namin, so we started eating. si kuya foreigner started eating her girlfriends face! OMG. huminto ako sa pagkakasubo,

Que Barbaridad!

how crass!

gusto ko silang sigawan ng get a room!

kaya lang im sure ang iisipin ng mga tao inggitera lang ako! hehehe, so I kept quiet.

but yes, INGGIT NA INGGIT ako.

severe.

muntik na akong umiyak. pero pinigil ko, pigil na pigil.

yes, I remember the boy. but I don’t remember the feelings.

sinumpa ko si timmy cruz nung mga oras na yun.

The Plataran Experience

 

Madali akong nakita ng aking mga amiga. Eto ang suot ko.

neon

kahit na ilang kilometro pa sila makikita nila ako. nagniningning ako ng oras na yun.

promising ang paglabas ng Bali Airport. Andaming AFAM! win! agad agad may napipick up na ang aking radar! but before any of that, kailangan naming kumain. so gora kami sa sobrang indo native fastfood. ang BURGER KING. ke haba ng pila! nakakaloka! natanong ko sa sarili ko, Ngayon lang ba sila nakakatikim ng burger? or french fries? ahahaha. CHAROT lang Indo friends. Tinanong ako ng crew, whats your order? sabi ko, wait, im so hungry I can eat you, your friends and this whole restaurant! whopper meal pls. ahahahaha.

pagkatapos kunin  ang order, we were whisk away sa isang toyota innova na may name ng hotel. I must tell you dears na hindi ako nag research ng hotel. kaibigan ko ang nag arrange ng lahat. game naman ako sa lahat kaya keribels, ready ako sa lahat.

BUT, I was not ready for this. I was not ready for Plataran Ubud.

Plataran

I felt belonged. but my clothes do not. ahahaha. This resort is fairly new. They are still constructing the other parts. Expansive ang lobby, full of natural light. Pagdating namin, may I offer sila ng cold wet towels at welcome drink. The check in is quick and kahit na dumating kami ng maaga, they agreed to whisk us to our room.

whisk is my favorite word nowadays. baklang bakla! panalo! let me whisk you to the continuation of the story.

Plataran is a luxury hotel. think Aman group yan ang kalevel nya. Pero ang Plataran ay homegrown. purely indonesian itez. They have hotels in major tourist destinations like Yogjakarta, Jakarta and Komodo Island. They also have boats, ships na you can charter. Having this in mind. I expected more from them. Katulad ng Welcome drink. salak soda, acquired taste ito. not everybody will appreciate. Ako wit ko bet. Maasim ng severe, carbonated at may bitter aftertaste. wala akong masabi sa surroundings. Very indonesian. ang feel na peg nila ay balinese garden with modern comforts. maganda ang interiors at well thought out ang plan ng buong resort. the resort is tranquil, idyllic for honeymooners. The staff are attentive and they greet you everytime they see you, may it be good morning, good afternoon and good night. toroy! parang Truman show lang ang peg!

IMG-20131025-00661

plus points sa akin ang magandang bed at ang bed nila is too die for! very comfortable, just the right softness.

eto naman ang view pag nakahiga sa bed.

IMG-20131025-00663

Yes, palayan levels ang peg. BTW, this is UBUD. dito daw nagshoot ng Eat Pray Love si Julia Roberts.

plataran 1

As you can see, every corner of the resort is pretty. Great attention to detail. But there are also small things that they quite missed. Every luxury resort I stayed in laging may free slippers. Like sa Amanpulo, they give their guests Havianas na may Aman logo, sealed and brand new. Sa plataran meron din pero think abacca slippers. The choice is not the issue here. I actually commend them for choosing a natural material as it is consistent with the brand. What I cant get is why its not sealed. and when I tried the slippers parang ginamit na ng 5 tao. bukol bukol sya mga te! I should know kasi flat footed ako. Theres also incomplete toiletries. Walang toothpaste at toothbrush nakakaloka! buti na lang may baon kami. Theres also NO functioning bar. so yung mga guests na gustong magnomnom kailangan pang umalis at maghanap ng bar. Hindi rin sila attentive sa house keeping. In Discovery shores, kuamain ka lang ng breakfast pagbalik mo ayos na ang lahat. in Plataran, we did not experience that. We atleast expect na sana kinuha nila ang baso na pinaginuman namin but no, walang kumuha. To be fair merong fruit basket na mini size sa room but, the quality of the fruits are like SM bonus levels. Over riped bananas, ganyan. as for the food, they have very limited breakfast choices. I mean, for the price of the room or villa, one would expect a buffet breakfast right. Well, walang ganun. It’s a sit down breakfast. at meron yata silang 5 choices lang.  Mega fail ito for me. Kasi over prced na nga hindi pa spectacular ang lasa.

I hope the admin of Plataran Ubud, will change all of that. I know that their target market is the people who have money to blow $200 a night minimum, these people are very discerning. And Im sure gusto din nila na sulit ang binabayad nila.  If they are consistently missing on the small  things, baka maghanap ng ibang hotel ang guests.