Ubud is a major Arts and Culture center in the island of Bali. Relaxed ang feel ng place. Very indie. Very provincial. Major characteristic ang rice paddies. Most daw ng tourist na pumupunta dito is in pursuit of art.
Nakakaloka.
In pursuit din ako hindi nga lang art, kundi jowa. hehehe.
syempre bet naming libutin ang buong ubud kung pwede lang kaya lang tamd kaming maglakad. sayang pa ang oras. so, we asked the frontdesk na I drop off kami sa Ubud Market.
Sa tapat nyan ang Ubud Palace.
working palace daw yan. Ubud’s royal family still lives there, pero ang courtyard ay open for all. Nung pumunta kami may funeral preparation.
Andaming ganap! kung anik anik ang ginagawa ng mga utaw la belles. Nakakaloka.
dahil feel na feel ko na turista ako mega picture ako ng mga kaganapan. aba , minsan lang makakapunta kailangang sulitin! May nageexplain ng mga kaganapan pero dahil nga may ADHD ako hindi ako nakinig. ahahaha. Ang naintindihan ko lang, depende sa kayamanan ng pamilya ng namatayan ang laki ng funeral prep. So, mag yamanyamanan lakilakihan ang ganap.
after ng Ubud palace naglakad lakad kami sa paligid.
typical lang daw na shrine ito. kaloka no?
hanggang may makita kaming very familiar na sign.
dahil sa wala naman akong kahilig hilig sa kape, pumasok kami. at eto ang bumungad sa amin
sa gilid nyan ang pinto ng starbucks at eto ang kanilang garden, kaloka. sa same compound may restaurant din pero hindi na namin inavail kasi may gusto kaming kainan. so nag dessert kami first.
white chocolate red velvet cake.
Buti na lang nagdessert kami kung hindi mega bonggang gutom ang inabot namin dahil sa mahabang lakaran para makita namin ito. yun kasing pinagtanungan namin yung long way ang tinuro kaloka! ang m ga dinaanan namin parang maze! kami lang ang lumalakad sa daan. at day ang init ng araw! sa haba ng lakaran pumayat nga ako te! ahahahaha. Bonggang pawis ang aming inabot.
matagal tagal na kami sa indonesia, miss na miss na namin ang pork! bet na bet ko ng sumigaw ng babuyin nyo ako! pero alam kong walang magaavail! kaloka.
Lechon galore! Must daw ito pag pumunta ka ng UBUD. Mas masarap pa din ang lechon natin, Underwhelming for me ang Babi guling. halos lahat ng customer dun foreigner, syempre avail naman kami! ahahahaha. kailangan lumevel! ganyan! hindi daw yan ang original na restaurant lumaki na lang dahil sa dami ng turistang nagaavail ng babi guling. taray no? binaboy ang kapalaran!
No comments:
Post a Comment