Saturday, August 31, 2013

spark

 

naghahanap ako ng spark. yung tipong moment na hindi ka mapakali hanggat wala kang ballpen at papel na mahagilap dahil may gusto kang isulat. yung tipong kating kati ka na at gusto ng tipahin ng mga daliri mo ang bawat keys ng iyong computer. yung tipong habang nagtatype ka kumakanta sa background si ate katy perry bumibirit ng you just gotta ignite the light and let it shine! ganyang levels. subalit, katulad ng pagpapakalalake, bigo ako.

I just ended my two year relationship. hindi ko kasi keri ang long distance relationship. nakabase kse sya sa china. haller! mahirap kumuha ng visa dun! at hindi rin kaya ng budget ko na puntahan sya. gusto nyang mag continue kami. ako ang umayaw. maarte ako eh. siguro reason yan ng pagkawalan ng posts sa blogey na itez. wichikels inspiration bukod dun boring ang life ko. azz innn. bahay work bahay work lang ang drama kez. pag nasa balur ako direcho ako ng kwarto, uupo sa aking kama ng dahandahan(para cinematic) pagmamasdan ang mga tropeo, sash na aking nahakot sa mga beauty contest na sinalihan ko noon. mapapatingin sa kaliwa at mahahanap ng aking mga mata ang larawan nyang nakaframe ng gold.  hindi ko mapapansin ang unti unting pagbagsak ng aking mga luha. pupunasan ko ng likod ng aking kamay ang aking pisngi, mapapangisi ng may pait. sabay sasabihin sa sariling dapat hindi ka ganyan. ginusto mo ito. sabay tatayo magbibihis, kukuha ng sigarilyo at aktong sisindihan ngunit magdadalawang isip. ilalapag muli ang lighter at sigarilyo sa lamesita…mahirap magyosi ng umiiyak (fact yan! at magastos). hihiga sa kama at matutulog. magigising kapag malapit ng pumasok. magtratrabaho at uulitin muli ang nakasanayan ng gawin.

ilang araw ding ganyan ang naging schedule ng aking pamumuhay. hindi na tama ito. kailangan ng mag move on. kailangan ng makisama sa mundo ng mga buhay. kailangan na ako ng mga kalalakihan sa mga blogey na itez…manilaspanatic.blogspot.com at boytoyforhire.com (NSFW, buksan pag walang magulang!) kailangan ko ng bumangon at maghanda sa aking nalalapit na kumpetisyon ng buhay. CHAROT!

Sunday, August 4, 2013

Ang 1st Runner up, 2nd Runner up at si Cristy Fermin

 

hindi naman lingid sa kaalaman nyo ang pagkembotswana corazon ko sa Cambodia. kasama ko ang 1st runner up at ang 2nd runner up. ahahahaha.

xpopart micci

sila na siguro ang best travel buddies! why?

1. kse we believed in organized chaos! chaos ang hotel room, parang dinaanan ng bagyo! pero may sarisarili kaming corners kung saan kami nagkakalat! ahahaha.

2. lahat kami mahilig kumain. total foodies! itratry lahat wag lang yung mga exotic meats hindi namin keri yun. sa lahat ng aming mga bonding moments may food na kasama. pati ang pagkain ng junk food sa kama bet na bet din namin!

3. we can talk for hours, days even! in short matalino kami. ahahahaha

4. lahat kami PUMA. PUMAfashown lagi ang drama! kailangan complimentary ang kasuotan sa sapatos or bagey!

5'. mababbaw lang kami. as in bigyan mo kami ng nilagang mais or isaw buong pusong pasasalamat na ang gagawin namin.

 

gabi kami ng dumating sa hotel na pinagstayan namin sa siem reap. ako ang nag arrange ng trip na to so pati ang pick up ako na ang bahala. hindi nila alam na yung sa guest house at ako ay nagusap lang sa email. mga tipong 3 dyas before kaming dumating dun ang last conversation namin. so nung malapit na kami sa siem reap panic mode ang lola nyo as in! kse hindi ko alam kung nagkaintindihan kami or what. di ba? pagbaba namin ng bus galing HCMC ayan na moment of truth na. halos lahat ng kasama namin sa bus may pick up as in malalaking sign board parang sinlaki ng mga advert sa EDSA! ahahaha. at wala akong makita under my name her excellency beatriz. full blown panic attack ito! ng sa corner may nakasulat na ROXAS sa isang kapirasong papel. sashay agad agad sa kuyang may tangan ng papel sabay ask kung taga Victory sila. at tumpak sya na ang aming pick up! to be fair nainting-dihan nila ako I wanna cry! ahahahaha.

fast forward na natin ito sa guesthouse. syempre pagoda coldwave lotion at tommy hilfiger ang drama namin.aba aba aba may welcome drink! wala pang 5 minutes naubos ko na! ahahaha, sarap! sabay order ng fudang for dinner! nakipag arrange na rin kami ng tour sa frontdesk at wake up call! 5am! para daw maabutan namin ang sunrise! so go na yan samin. to be fair on time sila! kami ang hindi kse naghihilik pa ako ng 6am! ahahahaha. dali dali na kaming nagprepare. after 2 hours tsaka pa lang kami nakaalis ng hotel! ahahahahaha.

at para ka makapasok ng angkor Wat complex may ticketing booth na ganap, so paysung kami isa isa tapos sabay smile sa camera. yung isa sa mga ateng kasama ko nag comment sa ticket! sabi nya sino ba itong kamukha ni cristy fermin? nagulat ako! naisip ko iba ba ang ticket ko sa ticket nya? mas vip ba sya dahil andun si cristy fermin? mas marami ba syang malalamang chika mula sa manong tour guide dahil sa cristy fermin na ticket nya? nag panic ako. a hahaha. upon closer inspection napag alaman ko ang isang bagay. HINDI NYA KILALA SARILI NYA! gusto kong magtumbling ng ten at mag pirouette habang nasa ere with 2 and a half twist na solid ang landing! natawa ako ng bonggang bongga! to be fair naman kse harsh ang lighting at puffy pa ang fez kasi kakagising pa lang. pero day! wag ka! wagi si cristy fermin sa amin! ilang beses syang tiningnan ng mga kalalakihang foreigner pero ded madela sya. kung ako yun baka hindi na ako nakapunta ng temples! ahahahaha.

Ta Phrom

 

para sa mga bet at peg maging si Angelina Jolie, number one sa listahan nyo itong next temple, Ta Phrom.

aIMG264

Yung ibang temple magkakalapit lang pero ang ta phrom effort kse may kalayuan from angkor. again, ganun uli ang drama may parang bridge papunta sa gate ng temple na parang temple lang din. ang ta phrom ay nasa jungle ganyan lush ang vegetation. unlike the other temples na medyo manicured ang paligid dito parang one with nature ang drama.

IMG273

Nature takeover ito!

IMG285

Isa rin ito sa pinaka ornate na temple parang lahat ng sulok may design.ang maganda dito kse raw yung paligid as is. ganyan. parang first time lang silang nagpapasok ng mga turista unlike sa ibang temple na maayos na. dito every nook and cranny is a discovery.

IMG316

ayan oh! nag pleplay na ba ang lara croft sa isip nyo? ahahahaha.

IMG297IMG302

diba? parang kami lang nakadiscover ng place! gandara park!

Nirereconstruct nila yung whole place para mas mapatibay at mapaganda pa nila. yung reconstruction ang budget galing sa ibang bansa. sponsor ganyan. like yung bayon if im not mistaken japan ang sponsor tapos itong ta phrom naman parang india yata. pot luck lang?!

sana maexperience nyo din ito. kse once in a lifetime experience talaga sya. from the paggising ng madaling araw para makita ang sunrise sa angkor, sa pagtagaktak ng pawis dahil majinit! hanggang sa manakit paa inducing na lakaran. marami ka ng matututunan about our neighbor in south east asia. marami pa akong picturettes hindi ko lang ma post lahat! ahahaha umay yun pag nagkataon.

Saturday, August 3, 2013

Angkor!!!

 

at ang dahilan ng pagkembot naming friendships sa Cambodia, ang Angkor Wat! kung di nyo alam ang angkor, ask mo si google! ahahahaha.

IMG318

ang daan papuntang gate! like what I said sa earlier post ko. nasa gitna ng isang man made lake ang Angkor. so, may mga moat sa bawat gate.

IMG322

yan ang daan. bow. if you can  notice yung nasa left side bonngels ang daanchi yung nasa right may sira. ang sabi ng guide namin yung right side ay ang old side at and reconstructed side ay ang nasa left. at yung structure sa dulo yan ang gate…lakas makayaman ng mga Khmer no?! isang mahabang lakaran pa bago mo makita ang angkor! and then just like that boom! ayan na sya

IMG348

The Angkor Wat.

hong layo no? majinit jackson din! kailangan dito ay more more sunblock! pag na avail nyo ang sunrise chuva tour dito din ang formation  habang mega waiting bells ang drama nyo kay haring araw.

IMG398

fast forward, interior shot na. napapalibutang ang walls ng Angkor ng mga ukit moments ng mga iskultor nila dati. like the one above. may theme bawat mahabang wall. basta may story wag ng itanong kung ano kasi hindi ako nakikinig sa guide! hehehe. but imagine nyo kung pano nila inukit yan nung panahon na yun?

IMG394IMG397

yung pic sa left mo yan ang nakaukit sa columns yun sa right sa ceiling! kalorka! wala silag magawa dati no? hobby na kinarir? hehehe.

IMG412

eto namn ang inner courtyard ng Angkor, yung hagdan sa kaliwa ang stairway to heaven chot! yung sa kanan ang yosi area ko. charot! sarap tumambay dtito! I can stay here all night no kidding yan! nakakainspire lang ang place. parang gusto mo syang isulat ng paulit ulit. kung photographer ka naman gusto mo syang picturean another and another ng more more! nakakasad na aalis na kami to visit other temples. but I will definitely go back!