at ang dahilan ng pagkembot naming friendships sa Cambodia, ang Angkor Wat! kung di nyo alam ang angkor, ask mo si google! ahahahaha.
ang daan papuntang gate! like what I said sa earlier post ko. nasa gitna ng isang man made lake ang Angkor. so, may mga moat sa bawat gate.
yan ang daan. bow. if you can notice yung nasa left side bonngels ang daanchi yung nasa right may sira. ang sabi ng guide namin yung right side ay ang old side at and reconstructed side ay ang nasa left. at yung structure sa dulo yan ang gate…lakas makayaman ng mga Khmer no?! isang mahabang lakaran pa bago mo makita ang angkor! and then just like that boom! ayan na sya
The Angkor Wat.
hong layo no? majinit jackson din! kailangan dito ay more more sunblock! pag na avail nyo ang sunrise chuva tour dito din ang formation habang mega waiting bells ang drama nyo kay haring araw.
fast forward, interior shot na. napapalibutang ang walls ng Angkor ng mga ukit moments ng mga iskultor nila dati. like the one above. may theme bawat mahabang wall. basta may story wag ng itanong kung ano kasi hindi ako nakikinig sa guide! hehehe. but imagine nyo kung pano nila inukit yan nung panahon na yun?
yung pic sa left mo yan ang nakaukit sa columns yun sa right sa ceiling! kalorka! wala silag magawa dati no? hobby na kinarir? hehehe.
eto namn ang inner courtyard ng Angkor, yung hagdan sa kaliwa ang stairway to heaven chot! yung sa kanan ang yosi area ko. charot! sarap tumambay dtito! I can stay here all night no kidding yan! nakakainspire lang ang place. parang gusto mo syang isulat ng paulit ulit. kung photographer ka naman gusto mo syang picturean another and another ng more more! nakakasad na aalis na kami to visit other temples. but I will definitely go back!
No comments:
Post a Comment