naghahanap ako ng spark. yung tipong moment na hindi ka mapakali hanggat wala kang ballpen at papel na mahagilap dahil may gusto kang isulat. yung tipong kating kati ka na at gusto ng tipahin ng mga daliri mo ang bawat keys ng iyong computer. yung tipong habang nagtatype ka kumakanta sa background si ate katy perry bumibirit ng you just gotta ignite the light and let it shine! ganyang levels. subalit, katulad ng pagpapakalalake, bigo ako.
I just ended my two year relationship. hindi ko kasi keri ang long distance relationship. nakabase kse sya sa china. haller! mahirap kumuha ng visa dun! at hindi rin kaya ng budget ko na puntahan sya. gusto nyang mag continue kami. ako ang umayaw. maarte ako eh. siguro reason yan ng pagkawalan ng posts sa blogey na itez. wichikels inspiration bukod dun boring ang life ko. azz innn. bahay work bahay work lang ang drama kez. pag nasa balur ako direcho ako ng kwarto, uupo sa aking kama ng dahandahan(para cinematic) pagmamasdan ang mga tropeo, sash na aking nahakot sa mga beauty contest na sinalihan ko noon. mapapatingin sa kaliwa at mahahanap ng aking mga mata ang larawan nyang nakaframe ng gold. hindi ko mapapansin ang unti unting pagbagsak ng aking mga luha. pupunasan ko ng likod ng aking kamay ang aking pisngi, mapapangisi ng may pait. sabay sasabihin sa sariling dapat hindi ka ganyan. ginusto mo ito. sabay tatayo magbibihis, kukuha ng sigarilyo at aktong sisindihan ngunit magdadalawang isip. ilalapag muli ang lighter at sigarilyo sa lamesita…mahirap magyosi ng umiiyak (fact yan! at magastos). hihiga sa kama at matutulog. magigising kapag malapit ng pumasok. magtratrabaho at uulitin muli ang nakasanayan ng gawin.
ilang araw ding ganyan ang naging schedule ng aking pamumuhay. hindi na tama ito. kailangan ng mag move on. kailangan ng makisama sa mundo ng mga buhay. kailangan na ako ng mga kalalakihan sa mga blogey na itez…manilaspanatic.blogspot.com at boytoyforhire.com (NSFW, buksan pag walang magulang!) kailangan ko ng bumangon at maghanda sa aking nalalapit na kumpetisyon ng buhay. CHAROT!
No comments:
Post a Comment