Tuesday, September 17, 2013

conteseras UPDATE!!!

 

siguro by this time alam na ng buong pilipins na nanalo ang ating bet na bet na si MUTYA DATUL.

she is the first ASIAN Suoranational.

 

napakainspiring ng istorya nya mga ateng! ang mudrakels nya housewife at ang pudrakels nya ay pulis. sumali sya sa mutya ng pilipinas pero di nanalo. ligwak ang ate mo sa q and a portion. pero that did not stop her. she joined BB Pilipinas at this time nanalo na sya! probinsyana ang ate nyo, nagmula sya sa pugon ng pilipins-isabela! aminin nyo ang jinit jackson dun! bet na bet ko na win na win sya sa pagrampa sa catwalk. yung ngiti nya unlike other beauty queens mafifeel mo na totoo. may honesty factor. at ang pinakamahalaga sa akin ay hindi sya nahihiya sa pinangggalingan nya at sinansabi nya ang kanyang saloobin ng mabuti. napaka endearing nya at positive thinker ang ate nyo. deserving talaga sya.

ngayon naman kasalukuyang nakikipagtunggali si Megan Young sa Miss World sa Bali Indonesia.so far, maganda ang performance nya. may laban kumbaga,

sa mga susunod na weeks naman send off na ni Cindy Miranda, sya ay lalaban sa Mis s Tourism Queen International na gaganapin sa China. Maraming maraming goodluck!

November 9 ang pinaka aabangan ng mga pageant fans worldwide. aminin na natin kahit mas maraming kandidata sa ibang sa bang pageant iba pa rin ang Miss Universe.  ang pambato natin na si Ariella arida ay paspas na sa training.sa kanyang latest pick mukha syang mail order bride. but I say this in a good way. ma appeal ang beauty  nya sa mga Ruso.

November 14 –17 naman ang arrivals ng mga kandidata ng MISS EARTH. sinusundan ko din  ang pageant na ito. homegrown din sya. kasama sya sa BIG 4 na tinatawag isang Grand slam na pageant. the candidates will be billeted at the F1 Hotel in BGC. December 7 naman ang finals night. so far wala pang venue. so kung may makita kayo na sa MOA hindi totoo yan. parang may news black out sa kandidata nating si Angelee Claudette Delos Reyes. wala akong makitang bagong pic. I would say ready na sya. naaalala ko si Venus Raj pag nakikita kong rumampa si angelee. pareho sila ng swag.

at Tokyo will play host to Miss International. favorite ko si Bea Santiago sa lahat. hindi ko alam kung bakit basta I like her. she reminds me of amelia vega. google nyo na lang kung di nyo kilala. ahahahaha.

Tuesday, September 10, 2013

amici

 

matagal ko ng hindi nakikita ang friendship ko na itey. kse naman mga ateng alam ko naman na busy sya sa kanyang wedding. so nag arrange kami ng mabilisang catch up session. syempre kapag catch up dapat may fudangdang! nagkita kame sa favorite kong triangle. yes you guessed it right! sa Central Park! kaloka,

IMG-20130904-00189

bet na bet ko talaga ang italian fudang kaya dito ako nagyaya. at dahil mabilisan ito sa kadahilanang may pasok sa office ang reyna(ako hindi sya), I suggested light snack lang. hindi rin ako fan ng carbo loading kaya heto ang aking order.

IMG-20130904-00191

spaghetti aglio olio marinara

peuf_20130905_1

lasagna

IMG-20130904-00193

tartuffo ciocolatto

super light lang no? I mean I finished the lasagna in less than five minutes, hmmm, ok lang yung lasa nya. ang serving nila kasing laki ng fez ko. yung spaghetti I didn’t finish kse ang tigas nung plato OMG. medyo na dissappoint ako sa dessert ko kse kumurap lang ako wala na. sana kse unlimited. overall value for money? WIN! hindi ako ang nagbayad mga ateng!

bono

 

mahilig ako sa dark.

yung matapang. yung sa unang tingin nakakpagpalaway na.

yung tipong kakaibang euphoria ang dulot sayo ng kanyang samyo.

yung eksena na kapag napili mo na isa lang nasa isip mo, ang talupan ang natitirang pantakip sa malauling nitong katawan.

hindi ka na mapakali.

                      nasa kamay mo na sya.

dahan dahan mo syang titikman. nanamnamin.

ibabad sa iyong mga dila ang kasarapan na iyong naranasan.

mapapapikit ka sabay sambit ng oh yes!

yes!

     yes!

          YES!

 

hindi mo na mapigilan.

                      nahulog ka na.

kailangan mo uling matikaman…sisimutin ang bawat linamnam

at pipiliting maranasan ang sarap at tamis ng dulot ng tsokolate.

IMG-20130909-00197

Ciocolatto Gelato.

Wednesday, September 4, 2013

shutanginabeks

 

 

Thanks! Salamuch!

hello ate Endettee! ahahahahaha

mongol

 

Ang pagbloblog pala ay parang pokemon.

nag eevolve.

nagbabago thru time pumipino, nagiging mas mahusay.

ang pagsusulat naman ay isang bisyo.

kapag nagkaroon ka ng hilig, mahirap ng tanggalin.

at ang pagsusulat sa isang blog ay parang pagkakaroon ng jowa,

ang pagpasok sa isang realsyon. ang pagsang ayon sa isang commitment, na oo, gagalingan mo, oo pipilitin mo na sumulat or may mai post araw araw. may mga times na hindi mo papansinin  ang computer mo. na parang wala kang kaganaganang makipagkita sa jowa mo. ded madela levels. pero may mga oras naman na excited ka. mahawakan mo lang ang computer mo tuloy tuloy ka na sa pagkwento.

ang pagsusulat sa isang blog ay pagbubukas ng buhay mo sa  buong mundo.

maintindihan man o hindi ng bumabasa ang isinulat mo 

isang piraso ng iyong kaluluwa ang iniiwan mo,

isang piraso ng iyong pagkatao ang ipinapakilala mo sa kanila.

isang piraso ng iyong hinagap ang ibinigay mo sa iyong mambabasa.

Tuesday, September 3, 2013

conteseras

 

BER months na! para sa ating mga pinoy start na ng Christmas Season. Magsusulputan uli ang mga bazaars, kaliwa’t kanang sales, at mga officemates mong ngbebenta ng kung anik anik. Uso na naman ang gives gives! sa aming mga beki isa lang ang ibig sabihin ng BER months, umpisa na ng Pagant season! At sa sobrang daming beauty pageant sa buong mundo kapag ber months nangyayari ang mga pinakaimportanteng beauty pageants.

September 6 – Finals ng Miss Supranational, Minsk Belarus

September 28- Finals ng Miss World, Jakarta, Indonesia

October- Finals ng Miss International, Japan (wala pang sure na date at venue)

November- Finals ng Miss Universe, Moscow Russia

December- Finals ng Miss Earth (wala pang sure na date at venue)

Support support naman pag may time mga ate! vote for our candidates online!

For updates visit the Following sites!

Missosology

Sash Factor

Global Beauties

****photos from Missosology,Sash factor, GB, BBP and Ms Earth Phil

Monday, September 2, 2013

Binondo Kembular

 

Nung isang araw, nakipagkita ao sa isang kaibigan. pareho naming gustong kumembot sa land of tikoys and feng shui…at dahil sa wala naman kaming budget upang tumapak sa great wall we did the nest best thing….ang pumunta ng Binondo.

so one HOT saturday na kasing hot ko, with my miniskirt and my fuschia pink stilletos nag pirouette, slide at tumambling ako ng ten times papuntang Carriedo LRT station. at duon habang may kumakanta sa background ko ng isn’t she lovely isnt she beautiful nag catwalk ako pababa at nakita ko si Endette.

First Stop. Santa Cruz Church.

nag say a little prayer muna kami. sabi ko Lord, sana po magkaroon ng malaking aircon para sa Binondo kse majinit mey! Thank you!

konti lang yata ang nakakaalam na I grew up in Manila. sa M. Hizon St, malapit sa Tayuman. andun kasi ang balur ng mga lolo at lola kez sa mudra side. Yes, mahal kong maynila ang drama ko nung kiddiellete akez. I remember every sunday nagmamass kami sa quiapo Church tapos lalafur kami sa Panciteria Ramon Lee. tapos Every Christmas ang ham sa aming bonggang bonggang Noche Buena ay galing sa Excellente. kaya ang pag going back to the corner ko sa area na itez ay reminiscent (BIG WORD! ) of my childhood.

Lakad Galore uli kami. at dahil sa hindi ako kumain ng breakfast biglang nag alarm ang aking tyanibels buti na lang may nakita kami.

IMG-20130831-00170

ginutom ako bigla…bumili ako ng isa…mainit init pa! bonggels!

kinagatan ko

IMG-20130831-00171

to be fair, sa halagang Php17 super sulit na ito, like win na win! hindi tinipid ang filling! busog ka na sa isa framises! pagtingin ko kay ate Endette nagulat ako, eto yung sa kanya!

IMG-20130831-00168

CHAROT! tigisa lang kami. niresreserve namin ang aming tyan sa iba pang fudangdang.

so, walkaloo kami papuntang  Sincerity Restaurant for lunch. hong layo mga ate! so naisip ko this better be good. eto ang inorder namin.

IMG-20130831-00174

BEST FRIED CHICKEN! napakajuicy! crispy on the outside but soft inside. its salty and yet sweet.

IMG-20130831-00175

CRAB OMELLETE FTW! pareho naming favorite ni ate Endette ito! azzzinnn! mejo oily lang. hehehe

IMG-20130831-00176

SINCERITY FRIED RICE this is one yummy fried rice. it has vegetables, chorizo and all that goodness.

IMG-20130831-00173

BLACK GULAMAN refreshing! perfect sa pagka hot ng weyder!

Perfet Combination to te! Sweet, salty and oily. panalong panalo! parang maliit ang serving ng food kse maliit ang mga vessels pero yung order namin can feed around 3-4 persons pero dahil diet ako pwedeng parang sa akin lang!  after namin lumafur at chumika ng severe pumunta kami sa macau!

IMG-20130831-00178

Lucky Chinatown Mall! parang Macau lang mga te! pagpasensyahan nyo na ako mga te first time! pwede akong mag wish! Salamat sa aircon ng mall at kay kuya iranian Guy na nasa isang cosmetics booth na mahilig makipagtitigan. binuo mo ang aking araw! 

Salamat kay Ate Endette for being my tour guide! hehe. More more wlakathon at kembot ate!

Sunday, September 1, 2013

mid morning snack

 

bet na bet ko ang mag a walk to remember every saturday with office friends.

IMG-20130622-00068

apat kami lagi. dito kami naglalakad with matching hhww kse close kami.

IMG-20130831-00159

dito kami pumupunta…Salcedo Weekend Market! isa lang ang misyon namin ang lumaps ng bongga. lumaps ng walang bukas, lumaps na keber at ded madela sa weight gain! subalit ngunit datapuwa, as a beauty titlist and a selfless role model, I will be in violation of my contract sa binibining pilipinas charities, cqgq at carousel productions kung gagawin ko yun. so no to that!

diet muna. NO RICE! pramis! heto lang kinain ko.

IMG-20130831-00156IMG-20130831-00157

barbecue and inihaw na pusit- isa lang kinain ko pramis!

IMG-20130831-00162IMG-20130831-00163

crabs and prawns in alavar sauce

and for desserts…chenen!

IMG-20130821-00142

sarap mag snacks!

superlight meal lang talaga yan.

I mean, hindi ako nabusog!

framises!