Wednesday, September 4, 2013

mongol

 

Ang pagbloblog pala ay parang pokemon.

nag eevolve.

nagbabago thru time pumipino, nagiging mas mahusay.

ang pagsusulat naman ay isang bisyo.

kapag nagkaroon ka ng hilig, mahirap ng tanggalin.

at ang pagsusulat sa isang blog ay parang pagkakaroon ng jowa,

ang pagpasok sa isang realsyon. ang pagsang ayon sa isang commitment, na oo, gagalingan mo, oo pipilitin mo na sumulat or may mai post araw araw. may mga times na hindi mo papansinin  ang computer mo. na parang wala kang kaganaganang makipagkita sa jowa mo. ded madela levels. pero may mga oras naman na excited ka. mahawakan mo lang ang computer mo tuloy tuloy ka na sa pagkwento.

ang pagsusulat sa isang blog ay pagbubukas ng buhay mo sa  buong mundo.

maintindihan man o hindi ng bumabasa ang isinulat mo 

isang piraso ng iyong kaluluwa ang iniiwan mo,

isang piraso ng iyong pagkatao ang ipinapakilala mo sa kanila.

isang piraso ng iyong hinagap ang ibinigay mo sa iyong mambabasa.

3 comments:

  1. Saludo ako sa 'yo, ateng, sa pag-bblog mo in Tagalog. Di gaya ng iba na nagpupumilit mag-English kahit sablay-sablay naman ang grammar. BAHAHAHA!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you for that wonderful comment. In my twenty three years of existence I have never had any major major I mean mistake charot! kilala ko yan! ahahaha. anyways salamat sa [ag isita at sa pag appreciate. see you soon!

      Delete