Monday, September 2, 2013

Binondo Kembular

 

Nung isang araw, nakipagkita ao sa isang kaibigan. pareho naming gustong kumembot sa land of tikoys and feng shui…at dahil sa wala naman kaming budget upang tumapak sa great wall we did the nest best thing….ang pumunta ng Binondo.

so one HOT saturday na kasing hot ko, with my miniskirt and my fuschia pink stilletos nag pirouette, slide at tumambling ako ng ten times papuntang Carriedo LRT station. at duon habang may kumakanta sa background ko ng isn’t she lovely isnt she beautiful nag catwalk ako pababa at nakita ko si Endette.

First Stop. Santa Cruz Church.

nag say a little prayer muna kami. sabi ko Lord, sana po magkaroon ng malaking aircon para sa Binondo kse majinit mey! Thank you!

konti lang yata ang nakakaalam na I grew up in Manila. sa M. Hizon St, malapit sa Tayuman. andun kasi ang balur ng mga lolo at lola kez sa mudra side. Yes, mahal kong maynila ang drama ko nung kiddiellete akez. I remember every sunday nagmamass kami sa quiapo Church tapos lalafur kami sa Panciteria Ramon Lee. tapos Every Christmas ang ham sa aming bonggang bonggang Noche Buena ay galing sa Excellente. kaya ang pag going back to the corner ko sa area na itez ay reminiscent (BIG WORD! ) of my childhood.

Lakad Galore uli kami. at dahil sa hindi ako kumain ng breakfast biglang nag alarm ang aking tyanibels buti na lang may nakita kami.

IMG-20130831-00170

ginutom ako bigla…bumili ako ng isa…mainit init pa! bonggels!

kinagatan ko

IMG-20130831-00171

to be fair, sa halagang Php17 super sulit na ito, like win na win! hindi tinipid ang filling! busog ka na sa isa framises! pagtingin ko kay ate Endette nagulat ako, eto yung sa kanya!

IMG-20130831-00168

CHAROT! tigisa lang kami. niresreserve namin ang aming tyan sa iba pang fudangdang.

so, walkaloo kami papuntang  Sincerity Restaurant for lunch. hong layo mga ate! so naisip ko this better be good. eto ang inorder namin.

IMG-20130831-00174

BEST FRIED CHICKEN! napakajuicy! crispy on the outside but soft inside. its salty and yet sweet.

IMG-20130831-00175

CRAB OMELLETE FTW! pareho naming favorite ni ate Endette ito! azzzinnn! mejo oily lang. hehehe

IMG-20130831-00176

SINCERITY FRIED RICE this is one yummy fried rice. it has vegetables, chorizo and all that goodness.

IMG-20130831-00173

BLACK GULAMAN refreshing! perfect sa pagka hot ng weyder!

Perfet Combination to te! Sweet, salty and oily. panalong panalo! parang maliit ang serving ng food kse maliit ang mga vessels pero yung order namin can feed around 3-4 persons pero dahil diet ako pwedeng parang sa akin lang!  after namin lumafur at chumika ng severe pumunta kami sa macau!

IMG-20130831-00178

Lucky Chinatown Mall! parang Macau lang mga te! pagpasensyahan nyo na ako mga te first time! pwede akong mag wish! Salamat sa aircon ng mall at kay kuya iranian Guy na nasa isang cosmetics booth na mahilig makipagtitigan. binuo mo ang aking araw! 

Salamat kay Ate Endette for being my tour guide! hehe. More more wlakathon at kembot ate!

1 comment: