Wednesday, February 26, 2014

Bali Prelude

 

Bali.

Pangarap lang yan dati. Parang pagkakaroon ng jowa. Posible pero mahirap marating.

Budget wise, hindi mura sa Bali. Pero it did not stop me  from wishing, kailangang maging reality ito. So, I started na magipon. kumonti ang kapeng iniinom ko. Nabawasan ang pagkain sa labas. Hindi na din ako lumalabas kasama ang ibang kaibigan for a night out. In short naging boring ako. ahahaha. Pero MUST ito. sabi nga ng isang kaibigan, Lahat ng tao may isinasakripisyo. at eto ang sa akin.

Matapos ang Yogjakarta, gumising kami ng pagka aga aga dahil sa maagang flight papuntang Bali. 6am ang flight mga te! napaka unforgiving ng oras na yan! maga maga pa ang fez namin kumembot na kami sa Airport.

IMG-20131025-00656

Ang Adisutjipto Airport sa Yogja ay parang Kalibo Airport lang. Provinvial ang dating. walang yosi area! nakakaloka. at ang matindi nito konti lang ang choices pagdating sa foodang. Pero dahil papunta na ako sa aking pangarap, that did not faze me. Ang hindi ko matake eh ang madelay ang flight ng mahigit isang oras! jeskelerd! Ok sana kung may gwapo pero wala mga te! WALA! may shortage yata ng araw na yun! mabaliwbaliw akong naghintay. wala na akong magagawa sa mga fez ng mga tao dun. ahahahaha.

IMG-20131023-00390

And finally tinawag na ang flight ko! Napasigaw ako. OO, narelive ko ang moment n g pumasok ako sa top 10 ng Miss Universe! Nag trot na ako papunta sa chenes. umakyat ng eroplano at umupo sa aking upuan. Mayamaya may biglang kumalabit sa akin. Foreigner, may hitsura. TYPE!!!! sabi nya Excuse me? sabi ko Yes? bigla syang lumuhod, OMG!!! ang bilis bilis ni koya! MAGPROPROPOSE NA AGAD!  may dinukot sa kanyang bulsa. JESKELERD hindi ako FREFARED!!!!!!

nakangiti nyang sinabi na You are in my seat sabay tali sa kanyang sintas. Pakshet! ang shunga ko lang! so I excused myself at umupo sa tamang upuan sa likod lang nya. Ang shungaers lang talaga. pagkaupo ko biglang tingin nya sa akin, hindi na ako nag assume so I just gave him my sweetest smile. ahahahahaha.

after sometime I think mga one hour nasa BALI na ako! gusto kong mag pirouette sa tuwa! dali dali kong kinuha ang aking hand carry at naghintay sa aking check in baggage. nag makuha ko na ang mahiwagang bagahe nagslide na ako papunta sa exit, ng malapit na ako sa exit bigla akong tumalon and I gave everybody a combination. triple toe loop and triple flip. Yes, ako ay isang world champion figure skater/beauty queen. CHAROT! ahahaha. and then I realized, ASAN ANG MGA KASAMA KO?

IMG-20131027-00933

Welcome to BALI.

Tuesday, February 25, 2014

sellie coffee jogjakarta

 

ang sabi ko sa friends ko I will write this part of the trip in english, HINDI KO KAYA! ahahaha. so back to regular programming! ang totoo naisulat ko na sya pero habang binabasa ko ng paulit ulit parang walang character. I lost myself ganyan ang peg! ahahaha. so, fail yun ng bongga. ginagawa ko naman ito para sa akin. kung may magbabasa well and good. kung wala, well, well, well, basahin nyo to pls! ahahahaha.

after traipsing Prambanan. rest rest muna kami sa hotel. at dahil sa kagustuhan naming tumambay we went out in search of a coffee shop. at dito kami napunta.

sellie

the vibe of the place is very indie music/art scene ganyan. may pagkarustic ang dating. the menu is very simple and enough. family owned ito, half ng bahay nila yung coffee shop. para syang shop sa cubao x.

sellie interiors

that screen shows foreign indie films.

eto ang order ko.

IMG-20131023-00418

iced cafĂ© latte. one of the best coffee na natikman ko sa indonesia and so cheap! I think around Php 40 lang. nakadalawa ako nyan! ahahaha pag bet mo pa just ring the bell at paparoon na ang server sa table nyo. 

whats really good is they make you feel welcome. bibigyan kayo ng libreng nilagang mani while waiting for your orders. nung second time kong pumunta may free na sweet bread. hoping lang ako na sana mas maraming pastries. the hot coffee naman is strong and robust and locally grown. so alam nyo na fresh lahat. and the artwork na nakasabit sa mga dingding are for sale. so pag may bet kayo just ask for the price and haggle.

for very good coffee and relatively cheap prices I will definitely recommend this place artists will love this place.

Wednesday, February 19, 2014

Mendut and Prambanan

 

so after ng pagkembot namin ng aking amiga sa Borobodur. Prambanan temples naman ang aming kinareer! on the way there may small temples and and a monastery na nadaanan namin inavail na rin namin ito kasi kelan pa ba kami makakabalik right? or left? ahahahaha.

IMG-20131024-00515IMG-20131024-00517

Open naman sa public ang monasery gardens pero dahil sa UNFORGIVABLE ang init nung petsa na yun hindi na kami pumasok. that’s the mendut temple.dahil sa hindi ako nakikinig sa guide hindi ko alam yan, ahahahaha. kaloka. Charot lang syempre. Mendut is older than Borobodur. tapos may 3 statues sa loob. chaka ang lighting kaya wit picture. sa walls nya children stories. this temple is also a working temple kapag Waisak day dumadayo ang mga buddhist dito.

IMG-20131024-00521IMG-20131024-00523IMG-20131024-00524IMG-20131024-00525

from here ang Prambanan Temples ay mga 2hours away! nasa kabilang dulo sya ng Earth! kaloka!

Nearer sa Jogjakarta City center, in fact may bus station na dumadaan sa harap ng entrance ng Prambanan courtesy of Transjogja.

IMG-20131024-00531

Just like Borobodur, Iba din ang entrance ng mga Foreign Visitors. may pakape at water din. sosyal! Tumanggi na kami sa tour guide wrong move kasi mas maganda kung may nageexplain ng mga bagay bagay.

IMG-20131024-00532IMG-20131024-00533

May restoration chuchu din sila like Angkor. Pero mas makupad ang development.

IMG-20131024-00558

Isa sa mga minor temples.

IMG-20131024-00551IMG-20131024-00555

IMG-20131024-00574IMG-20131024-00575

Napakaganda ng temple complex na ito. my pictures doesn’t do any justice on how ornate the walls area. both inside and outside the temples.

IMG-20131024-00600IMG-20131024-00608

dahil malaki ang complex na ito meron silang tram service. kapag Foreigner free pag local may bayad ng veryvery light. iikot kayo ng tram sa buong complex.

IMG-20131024-00643

Heto ang Royal Palace sa loob ng Prambanan. Yung majubis na statue hindi po ako yun. guard daw yun.

IMG-20131024-00650IMG-20131024-00651

enjoyable ang Tram ride. kasi kung nilakad namin yan im sure baldado na ako pagdating sa hotel.

it also doesn’t hurt na maganda ang place. I would go back here compared sa Borobodur.

Iba ang charm nito. pagod lang kami ng severe kaya hindi na namin na avail lahat ng pwedeng gawin. sulit na din for the price kahit na on the expensive side sya.

Friday, February 14, 2014

MISS PHILIPPINES-EARTH 2014 “Reality in M.E.”- A Reality Show of MPE 2014


The Miss Philippines-Earth 2014 search has now begun and an exciting twist has been added to spice up this season’s quest for the crown!

This year’s theme for all Miss Philippines-Earth (MPE) events is “REALITY IN M.E.” The outline of the competition shall also give focus on a panel of judges composed of ex-beauty queens and industry experts who shall give their frank comments and advices to each candidate after their performance in every event. 

These comments shall be the eye openers for our beauty contestants to give them a chance to improve themselves in preparation for the final night. 

REALITY IN M.E. basically captures the reality in staging an MPE pageant. 

This is a timely and perfect way to follow the 50 gorgeous beauty Queens representing and promoting their home towns, allowing beauty pageant fans to get to know their favourite candidates and keep abreast with their eco warriors as they face various challenges in pre pageant competitions and activities. 

Among the events lined up this pageant season are the anticipated environmental events, Trivia Challenge, MakeUp Challenge, Catwalk Challege, Styling Challenge, Talent Competition, Swimsuit Competition, Cultural competition, Long Gown Competition, Fashion shows, and more. All MPE events rally for a better earth.

Every pre-pageant challenge episode shall be announced and shared on MPE’s official social media, Youtube-missphilippinesearth, Twitter-@missphilearth, Facebook–MissPhilippinesEarthOficial and www.missphilippines-earth.com where our audience can watch the candidates’ progress in the competition. 

Even backstage coverage of the candidate’s interviews and preparatory moments shall be captured. Live feeds on Twitter and trending hashtags shall enable more interaction from the audience with their favourite candidates as the show happens. 

Witness the 2014 Miss Philippines Earth candidates as they transform into competitive eco-warriors resolute in their advocacies!

Monday, February 3, 2014

Borobodur

 

Nung planning stage palang ng trip na to. we decided to find a private car para we can go to Borobodur and Prambanan Temples  sa gusto naming time. but then, nagbago ang lahat ng pagdating namin dun. dahil sa bet naming lumandi ng slight at wala naman si Madam Stella Marquez de Araneta we decided to join  a tour group. Mas mura pa! so paylalu na kami sa hotel. since they do tours na din para hindi david hasslehoff!

Bumaba ako para magkape. libre naman kasama sa package ng room. kahit na maliit at not picture worthy ang hotel lahat ng staff babati sayo ng good morning. lahat may ngiti. galak na galak sila na andun kami.

IMG-20131024-00426

pagkabigay ni ate receptionist ng kape tinanong nya ako, sabi nya breakfast? sabi ko naman, yes! just 1. sabi ni ate, only one? what about your wife? sabi ko kay ate: how dare you say that?! babae po ako! nililinlang ka lang ng iyong paningin babae po ako! sabay hagulgol sandal sa wall at dumausdos pababa slowly…biglang alis si ate kinuha ang aking foodang. windang sya mga te! eniweys, dalidali kong kinain ang Nasi goreng na bigay ni ate dahil anjan na daw ang sundo namin. tinawag ko na ang aking amiga at nagcatwalk papunta sa van. naisip namin yes! marami kami! van! sosyal! sabay ngiti ng pagkatamis tamis kay manong driver at sabi ng good morning! mabuhay from the pearl of the orient the Philippines! pagtingin ko sa loob, day! WALEY! WALEY tao! kami lang ng aking amiga! umakyat na kami sa van, pinaandar na ni kuya ang van at inayos namin ang aming mga tube. sabay tanong kay kuya, where are the other passengers? sabi ni kuya just the 2 of you! FAIL! sayang lang ang evening gowns namin at mook up! kaloka!

after 1 hour, nakarating na kami sa BOROBODUR. isa iteching UNESCO world heritage site.6  square platforms at 3 circular platforms ang babgtasin mo day. every platform tells a different story.

IMG-20131024-00429

1st look kumbaga sa Miss Universe eto ang kanyang introduction. at syempre nagpapicture ako.

IMG-20131024-00430

shet! ang ganda ko sa picture!

IMG-20131024-00434IMG-20131024-00437

2nd look at map. TIP: I suggest you get a tour guide para may magexplain ng mga bagay bagay.

IMG-20131024-00440

stairway to heaven. char!

IMG-20131024-00443

main platform ng temple. ang sabi ng aming tour guide, we should enter the temple sa east. paikot hanggang makarating sa top.

IMG-20131024-00446IMG-20131024-00449 

carvings sa gilid ng temple, east side. masunurin kami kaya EAST! this depicts the early life ng mga tao nakatira dun. it depicts how wordly humanity can be. OMG nagdugo ang ilong ko sa isang sentence. ahahaha. malalaman mo din ang origin ni buddha sa bas reliefs pati na din ang concept ng nirvana ng buddhism.

IMG-20131024-00451

IMG-20131024-00454IMG-20131024-00455IMG-20131024-00456IMG-20131024-00457

paikot lang sya. tapos you go one step higher pagkatapos ng isang ikot. at ang walls nya puno ng reliefs. wala sailang concept ng editing. basta may lugar siga hala ukit pa.

IMG-20131024-00460

just like the Angkor wat turn back time ang peg nito. habang umaakyat ka mas gumaganda ang paligid. makikita mo ang mountains from afar. dadmpi sa iyong balat ang refreshing na hangin, ang bonggang bonggang mga mamahaling hotel  mga nakapagilid sa complex, ang berdeng kapaligran. ang berde kong utak. ay, mali! ahahaha.

syempre may goal. ang makaputa ng Nirvana. so tiis ganda kaming lumakad ng 6 platforms paakyat. hanggang sa maratng namin itechi,

IMG-20131024-00491

ang garahe ng mga aliens ayon sa ancient aliens! inside those dome may buddha

IMG-20131024-00495

tinanggal na nila ang cover for your viewing pleasure.

ang hindi ko maipaliwanag ay ang peace na mararamdaman mo. parang lahat tumatahimik pagdatng dito. hindi ko alam kung dahil sa pagod at hingal or dahil sa mga buddhist holy ang lugar na ito. after all, Borobodur is still a working temple.

IMG-20131024-00480IMG-20131024-00498

hindi ko maiexplain kung anong feeling ng pagpunta dito.

may spiritual connection kami.

marahil epekto ito ng kape all you can for foreign tourist.

*****kung bet nyo makita ang full album text tweet or fb message me so I can give you the link. pwede rin mag comment. ahahaha.

dahil sa pansit, taco, pizza, ben and jerry’s at broken hearts club.

 

matagal na kaming magkakaibigan.  like ancient time pa! saksi kami sa halos lahat ng tagumpay or kabiguan sa aming mga life. tulad nung time na may nagkagustuhan sa barkadhan, lahat kami masaya. nung naghiwalay sila,  lahat kami nasaktan. nung may na promote sa trabaho sa amin lahat kami natuwa. dahil ang alam namin ang tagumpay ng isa sa amin tagumpay na din naming lahat. hindi ko alam kung bakit kami naging magkakaibigan. kung tutuusin halos wala kaming pagkakatulad maliban lamang ang pagtratrabaho sa call center at ang pagmamahal namin sa videoke. hindi rin kami madalas magkita. halos wala nga kaming alam sa mga personal na buhay ng isat isa. ang alam namin kapag kailangan, andun kami. hindi kami perfect, mas lalong hindi ideal ang friednship namin. pero nagkakaintindihan kami.

hindi namn maiiwasan na magkaroon ng hindi pagkakintindihan. normal yun sa mga magkakibigan. may asaran, may maasar, may maiinis , may maiirita , may magwawalk out, may tatahimik pagkatapos ng malakas na tawanan. may maiiwan, meron din namang mag  momove on. normal yan sa lahat ng relasyon.

pero sa katagalan yung mga taong matitira, natira dahil sa gusto nila sila ang mga pinkaimportante sa buhay mo. sa barkada namin marami na ang umalis. marami na rin ang nandyan lang naghihintay ng 1 viber message, 1 fb message, 1 whatsapp, 1 wechat , 1 kik or bbm. hindi kailangang madalas magkita. ang kailangan lang ay totoo ka sa sarili mo at sa mga taong importante sa buhay mo.