matagal na kaming magkakaibigan. like ancient time pa! saksi kami sa halos lahat ng tagumpay or kabiguan sa aming mga life. tulad nung time na may nagkagustuhan sa barkadhan, lahat kami masaya. nung naghiwalay sila, lahat kami nasaktan. nung may na promote sa trabaho sa amin lahat kami natuwa. dahil ang alam namin ang tagumpay ng isa sa amin tagumpay na din naming lahat. hindi ko alam kung bakit kami naging magkakaibigan. kung tutuusin halos wala kaming pagkakatulad maliban lamang ang pagtratrabaho sa call center at ang pagmamahal namin sa videoke. hindi rin kami madalas magkita. halos wala nga kaming alam sa mga personal na buhay ng isat isa. ang alam namin kapag kailangan, andun kami. hindi kami perfect, mas lalong hindi ideal ang friednship namin. pero nagkakaintindihan kami.
hindi namn maiiwasan na magkaroon ng hindi pagkakintindihan. normal yun sa mga magkakibigan. may asaran, may maasar, may maiinis , may maiirita , may magwawalk out, may tatahimik pagkatapos ng malakas na tawanan. may maiiwan, meron din namang mag momove on. normal yan sa lahat ng relasyon.
pero sa katagalan yung mga taong matitira, natira dahil sa gusto nila sila ang mga pinkaimportante sa buhay mo. sa barkada namin marami na ang umalis. marami na rin ang nandyan lang naghihintay ng 1 viber message, 1 fb message, 1 whatsapp, 1 wechat , 1 kik or bbm. hindi kailangang madalas magkita. ang kailangan lang ay totoo ka sa sarili mo at sa mga taong importante sa buhay mo.
sana mapatawad nyo ang hindi ko pagdating...may ibang pagkakataon pa naman di ba?
ReplyDeletenakalimutan mo yung Flappy Bird!!!
ReplyDelete