Nung planning stage palang ng trip na to. we decided to find a private car para we can go to Borobodur and Prambanan Temples sa gusto naming time. but then, nagbago ang lahat ng pagdating namin dun. dahil sa bet naming lumandi ng slight at wala naman si Madam Stella Marquez de Araneta we decided to join a tour group. Mas mura pa! so paylalu na kami sa hotel. since they do tours na din para hindi david hasslehoff!
Bumaba ako para magkape. libre naman kasama sa package ng room. kahit na maliit at not picture worthy ang hotel lahat ng staff babati sayo ng good morning. lahat may ngiti. galak na galak sila na andun kami.
pagkabigay ni ate receptionist ng kape tinanong nya ako, sabi nya breakfast? sabi ko naman, yes! just 1. sabi ni ate, only one? what about your wife? sabi ko kay ate: how dare you say that?! babae po ako! nililinlang ka lang ng iyong paningin babae po ako! sabay hagulgol sandal sa wall at dumausdos pababa slowly…biglang alis si ate kinuha ang aking foodang. windang sya mga te! eniweys, dalidali kong kinain ang Nasi goreng na bigay ni ate dahil anjan na daw ang sundo namin. tinawag ko na ang aking amiga at nagcatwalk papunta sa van. naisip namin yes! marami kami! van! sosyal! sabay ngiti ng pagkatamis tamis kay manong driver at sabi ng good morning! mabuhay from the pearl of the orient the Philippines! pagtingin ko sa loob, day! WALEY! WALEY tao! kami lang ng aking amiga! umakyat na kami sa van, pinaandar na ni kuya ang van at inayos namin ang aming mga tube. sabay tanong kay kuya, where are the other passengers? sabi ni kuya just the 2 of you! FAIL! sayang lang ang evening gowns namin at mook up! kaloka!
after 1 hour, nakarating na kami sa BOROBODUR. isa iteching UNESCO world heritage site.6 square platforms at 3 circular platforms ang babgtasin mo day. every platform tells a different story.
1st look kumbaga sa Miss Universe eto ang kanyang introduction. at syempre nagpapicture ako.
shet! ang ganda ko sa picture!
2nd look at map. TIP: I suggest you get a tour guide para may magexplain ng mga bagay bagay.
stairway to heaven. char!
main platform ng temple. ang sabi ng aming tour guide, we should enter the temple sa east. paikot hanggang makarating sa top.
carvings sa gilid ng temple, east side. masunurin kami kaya EAST! this depicts the early life ng mga tao nakatira dun. it depicts how wordly humanity can be. OMG nagdugo ang ilong ko sa isang sentence. ahahaha. malalaman mo din ang origin ni buddha sa bas reliefs pati na din ang concept ng nirvana ng buddhism.
paikot lang sya. tapos you go one step higher pagkatapos ng isang ikot. at ang walls nya puno ng reliefs. wala sailang concept ng editing. basta may lugar siga hala ukit pa.
just like the Angkor wat turn back time ang peg nito. habang umaakyat ka mas gumaganda ang paligid. makikita mo ang mountains from afar. dadmpi sa iyong balat ang refreshing na hangin, ang bonggang bonggang mga mamahaling hotel mga nakapagilid sa complex, ang berdeng kapaligran. ang berde kong utak. ay, mali! ahahaha.
syempre may goal. ang makaputa ng Nirvana. so tiis ganda kaming lumakad ng 6 platforms paakyat. hanggang sa maratng namin itechi,
ang garahe ng mga aliens ayon sa ancient aliens! inside those dome may buddha
tinanggal na nila ang cover for your viewing pleasure.
ang hindi ko maipaliwanag ay ang peace na mararamdaman mo. parang lahat tumatahimik pagdatng dito. hindi ko alam kung dahil sa pagod at hingal or dahil sa mga buddhist holy ang lugar na ito. after all, Borobodur is still a working temple.
hindi ko maiexplain kung anong feeling ng pagpunta dito.
may spiritual connection kami.
marahil epekto ito ng kape all you can for foreign tourist.
*****kung bet nyo makita ang full album text tweet or fb message me so I can give you the link. pwede rin mag comment. ahahaha.
No comments:
Post a Comment