Saturday, July 13, 2013

On MHL

 

isa na yata sa pinaka controversial na palabas ngayon ang My Husband’s Lover. kahit na bet na bet kong panoorin ito madalas na hindi ko sya napapnood dahil enroute na ako papuntang office! mas bet ko namang kumita ng andalu! diba? going back, napapanahon naman ang teleserye na yan. hindi dahil sa sandamakmak na ang kabekihan sa pinas ah pero dahil panahon na for equality! lahat naman ng ipinakita sa palabsa na yan sa aking palagay makatotohanan. sabi ng iba masyadong malambot si Dennis Trillo sa kanyang portrayal, sa aking palagay tama lang. he represents the professional bekis. the bekis na may anda! yung mga beki na nakapag aral sa private schools ganyan. pino. taimtiman ganyan. sa bawat chorva nya ramdam mo ang hirap ng magmahal sa isang taong committed. sya yung tipo ng beki na gustong ipagsigawan sa buong mundo na yes! may lovelife ako! at hot sya! ganyan! eh kung ikaw ba naman ang jowa ni Tom Rodriguez hindi mo ipagsisigawan? haller! baka sa lahant ng conversation sa lahat ng tao masabi ko yun! ahahahaha, yung character naman ni Tom dun ang pinakamahirap. closeta ang lola mo. sa dilim naglilip shook! yung tipong naka bb cream pero pag nasita sasabihin gamot galing derma! ahahahah, ganyan. but I feel for him. mahirap sa loob ng closet. madilim, malamig at higit sa lahat mag isa ka lang. kalungkutan to the highest powers! naalala ko nung hindi pa ako out, everytime na lalabas ako ng bahay praning garcia lang ang peg mo. conscious ka lagi sa lalim ng boses, sa pagpipilit na hindi lumantik ang mga daliri at sa pag iwas sa mga gwapo! ahahaha, everyday tinatanong ko sa sarili ko, is it worth it? am I better off pretending? well, its not. mas maganda pa din na totoo ka sa sarili mo. mas maraming magmamahal sayo kung mahal mo din ang sarili mo at higit sa lahat nakakapagpalaya ang magladlad. at si lally, ang tontang si lally. charot!. bulag sa pag ibig. pero sino ba naman ang hindi naging bulag kahit isang saglit sa taong minamahal mo? naks! siguro yung kay lally medyo exaggerated ang kanyang kawalan ng gaydar. kaloka! mas maganda naman kse na makita ng dalawang mata mo ang katotohanan diba? kaya tama lang ang investigation factor ni lally, sana lang mas naging handa si lally. sana lang mas matapang si lally. pero wala daw sa script yun kaya keri magpakatonta ka lally! bet ang acting ni Carla Abellana! to be in fairness! ahahahaha. pero aminin na naton mga ate, kuya, beki at shivoli lahat tayo nagkamoment ng katontahan sa love! lahat tayo naging bulag. kahit na alam na nating ginagamit lang nila tayo at mga paasa sila! (may poot ako?! ahahaha)

DAPAT panoorin ito ng LAHAT ng tao. beki ka man or straight. support support lang mga beks at sa mga straight para sa ikakaintindi nyo sa amin. at sa nagagawa ng pag ibig.

2 comments:

  1. I love love MHL!! winner sina dennis and tom and of course si victor na tinalo pa ang konsensya sa safeguard ads sa mga linya

    ReplyDelete
  2. At natawa lang tlga ko na conscious ka sa pag-iwas sa mga gwapo. Bakit kaya? Char! Hahahah!

    ReplyDelete