Saturday, June 29, 2013

C.M.

 

hindi sa lahat ng pagkakataon may maiisip ako na isulat. ito yung mga boring moments ng aking buhay. kasi naman normally i dont go out. bahay work bahay lang ang drama ko everyday. and im sure hindi lang ko ang ganito sa mundo ng blog. paseryoso ang effect! di ko keri kaloks! kaya ako, nagbabasa ng blog ng iba. checking out the competition ganyan! ahahahaha charot lang. masaya lang magbasa ng snipets ng buhay ng iba. yung tipong may pupuntahan sila tapos maiisip mo na pupuntahan mo din kse inggitera ka ganyan! yung tipong may kakainin sila maiisip mong kainin din yun kse gusto mo in ka! ahahahaha charot! makabagong chismisan ito! ahahaha.

securedownload

aksidente kong napuntahan ang blog ni Ms Jane Go. binasa ko ang blog nya sa isip ko sinetch itetch? bakit ngayon ko lang sya nakilala (importante ako? kailangan lahat kilala ko? echusera din ako no?! ahahahaha)? bilang chismoserang piglet ako binasa ko from the start ang blog nya as in cover to cover, back and front, front and back, side by side, lengthwise at crosswise. napakaentertaining nya lang. minsan overshare na sya pero that makes her very endearing sa mga readers nya. napakanatural at walang prentention ng style ng blog nya. alam mo agad kung ano nagpapasaya sa kanya (ang kanyang family) at yung nagpapa upset sa kanya(bad food) ahahahaha. peace! parang napakasaya siguro na mapabilang sa circle nya at ng mga anak nya. mantakin nyo pag may birthday, my cake fight! katuwa no? kaya lang gustuhin ko mang gawin yan sa bahay haller makakain ko muna ang cake bago ang fight! ahahaha. nakakatuwa lang din na napakadedicated nyang mudrakels sa kanyang mga anakis at napakalambing na asawa. nalaman ko lang lahat yan sa blog nya! chimosera talaga ako. ahahaha,

bago ko ito isulat, nag email muna ako sa kanya. gusto ko kasi na alam nya at kung may i grab ako ng picturettes sa blog nya, bet ko na aware sya, aba mahirap ng mademanda! hahaha. may i ask permission akez syempre may i include naman akez ng blog address ko. hindi ko naman ineexpect ang next ganap! nag email sya! at ang nice nice nya! natuwa daw sya sa blogey ko! ako din natuwa! ahahahaha. may i say din akez na i graduated from UST kse alam ko na malapit sa puso nya ang UST. natuwa ako kse tulad ko, binasa nya rin ang blog ko cover to cover, back and front, front and back, side by side, lengthwise at crosswise. nakakatuwa talaga pag may nakakaappreciate ng ginagawa mo no? in her words, she get so kilig! me too! sabi ko nga sa kanya sya na ang aking chinese mudra! feeling close lang talaga ako. ahihihihi. but honestly speaking isa si Miss Jane sa pinakamabait na tao sa blogosphere. napaka accomodating nya. lagi syang may suggestion sa mga commenters ng blog nya. no wonder kaya ang mga junakis nya well rounded. may pagkagroovy din itong si Ms jane sabi nya sa email rofl daw sya sa isang post ko nag email ako sabi ko ano po yung rofl? ahahaahaha. charot lang. syempre alam ko yun! rolling on the floor laughing!  mga echusera! alam ko talaga yun without the help of google. matalino ako. ahahahahaha.

hind ito biro ah pero araw araw ako nagchecheck ng new entry nya at never fail naman si Miss Jane laging may bagong entry (redundant akiz)! alam na! may internet! may budget! ang taray! ahahahaha.  ikaw na Jane! ahahaha.


hindi ko ineexpect na magiging follower ako ni Ms Jane. kse magkaibang mundo ang ginagalawan namin. ang mundo nya sanitized, maayos at masaya. ayaw nya ng masikip, marumi! (maricel soriano?!) ibang iba sa mundo ko, sa mundo ng isang BEAUTY QUEEN.

6 comments:

  1. Omg Reji, kasalukuyan akong nanunuod ng 4 sisters & a wedding, ganap ang iyakan pero eto ako, tawa ng tawa sa pinag-susulat mo! ;))

    maraming salamat sa pagmamahal at pagpapa-importansya na ibinigay mo sa akin, ako ay labis na natutuwa at nagagalak sa iyo! (zOMG ang lalim na nito ha!) ;P

    Anytime you're in my part of town, do let me know. Let's grab lunch. Para naman mag-feeling beauty queen din ako noh!

    Ako naman ang hihiling ng permiso sa iyo na i-post ito sa blog ko kung maaari. Napaka-laking karangalan sa akin itong pagpupunyaging ibinigay mo sa akin. Maraming salamat sa iyo, Reji! <3

    PS- I'm assuming you also read mother Divine's blog? She's a riot like you! :-*

    ReplyDelete
    Replies
    1. C.m.inihahanda ko na ang aking gown sa ating napipintong pagkikita! Pinapahanda ko na din ang float na sasakyan ko papunta dyan! Ahhahaha.

      Delete
  2. Anong kaguluhan ito?! Nasight ko kay fave mommy blogger na award daw ang vlagey mo! Ayan u have a new fan! Hahahah! Aliw ako pramis! Tumbling!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi rocynderella! Chenk yew sa pagvisit sa blogey! Na happy namaman akez na happy ka!

      Delete
  3. feelingerang beauty queen ka talaga!!! LOL Ayan at may nabiktima ka pa! wahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks jemuel! I think ang tawag dun admiration. I love c.m!

      Delete